Best Wordpress Web Hosting Company 2021

Author Topic: P1.184 billion Para sa Tax Reform Cash Transfer Program  (Read 380 times)

admin

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 28855
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • RSS Feeds
P1.184 billion Para sa Tax Reform Cash Transfer Program
« on: December 30, 2017, 02:08:45 pm »
KGG. BERNADETTE “BH” HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Chair, Committee on Public Information
GAA review – DSWD, PCOO, DICT, CHED, at DOH
ALAGA ANG MAHIHIRAP SA 2018 NATIONAL BUDGET

Naglaan ang Kongreso ng P1.184 billion para sa Tax Reform Cash Transfer Program sa loob ng budget ng DSWD para sa mga mahihirap na maapektuhan ng epekto ng pagtaas ng buwis, sabi ni Bagong Henerasyon Party-list congresswoman Bernadette Herrera-Dy, Vice Chair ng House Committee on Welfare of Children.

“Ang Tax Reform Cash Transfer Program na P1.184 billion ay bukod pa sa P89.4 billion para sa 4Ps program ng DSWD, P19.26 billion para sa indigent seniors, P3.42 billion para sa feeding program, at P38.9 million para sa street children,” aniya.

Nakalaan sa 4Ps ang pinamalaking bulto—halos 65 percent—ng P137.67 billion DSWD budget. P82.077 billion niyan ay yung mismong cash grants.

“Para maipabatid sa taumbayan ang mga programa ng gobyerno, binigyan ng Kongreso ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mga ahensiya nito ng P1.095 billion na kabuuang budget. Nasa Bureau of Broadcast Services ang pinamalaking bahagi na P370 million,” sambit ng congresswoman, na chair ng House Committee on Public Information.

Iyong mga ahensiyang laging kasama ng Pangulo, ang Presidential Broadcast Staff at ang News and Information Bureau ay mayroong budget na P210 million at P129 million, habang ang Philippine Information Agency ay P129 million ang pondo.

“Para hindi mapag-iwanan ang masa sa mga latest trend sa internet , P1.74 billion ang inilaan na budget para sa free wifi connectivity in public places,” ayon kay Herrera-Dy na isa sa mga principal authors ng RA 10929 (Free Internet Access in Public Places Act)

“Malaki ang naisabatas na budget para sa SUCs, CHED, at TESDA bilang pagtupad sa pangako ng administrasyong Duterte na gawing libre ang college education. Bukod sa budget ng bawat SUC, P5.86 billion ang magagamit ng CHED sa Tulong-Dunong grants at incentives para sa mga kabataan habang P3.9 billion naman ang para sa mga college faculty na pinag-aaral ngayon ng CHED ng masters at Ph.Ds,” dagdag pa ni Herrera-Dy, isa sa principal authors sa Kamara ng RA 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act)

Malaki rin ang budget sa 2018 para sa kalusugan ng pamilya. “Sa DOH budget na P106 billion, P4.34 billion dito ang pondo para sa indigents at P15.5 billion ang para sa pambili ng mga gamot at bakuna,” aniya.

P2.09 billion ang pondo para sa barangay health stations sa buong bansa at P6.798 billion ay pambili ng hospital equipment, habang sa PhilHealth ay P57.1 billion. (WAKAS).

REFERENCES:
http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/DSWD/A.pdf
http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/DOH/A.pdf
http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/HFEP.pdf
http://www.dbm.gov.ph/?page_id=21152

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88811.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

Guide: Sitemap

Fastest Web Hosting Server Provider

Tags:
 

Website Counter