Best Wordpress Web Hosting Company 2021

Author Topic: Tourism Road Infrastructure Program  (Read 381 times)

admin

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 28971
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • RSS Feeds
Tourism Road Infrastructure Program
« on: December 30, 2017, 02:11:28 pm »
Representative FREDERICK W. SIAO
Lone District of Iligan City
Vice Chair, Committee on Tourism
Member, Appropriations, Economic Affairs, and 8 other committees                                                                   
Facebook: /congressman Siao Twitter: @freddiesiao                                                                                                             
Nakapasok sa iba’t ibang ahensiya

AABOT SA MAHIGIT P34 BILYON ANG BUDGET NG GOBYERNO PARA SA TURISMO SA 2018

“Bagaman P3 billion lamang ang budget ng Department of Tourism sa 2018, nariyan naman sa loob ng budget ng DPWH ang P31.97 billion para sa Tourism Road Infrastructure Program para pasiglahin ang turismo sa iba’t ibang panig ng ating bansa,” pahayag ni Iligan City Representative Frederick Siao bago magtapos ang taong 2017.

“Sa pagbusisi ko ng DoT budget bilang Vice Chair ng House Committee on Tourism, nakita kong nakalaan ang malaking bahagi ng DoT budget sa branding campaign (P1 billion) at market & product development (P1.6 billion), habang P235.892 million naman para sa policy and planning,” ani Siao.

Dagdag pa ni Siao: “Direktang makikinabang ang mga manggagawa sa sektor turismo sa pamamagitan ng tourism industry training na binigyan ng Kongreso ng P160 million na budget. Iyong mga hotel, resort, at iba pang tinutuluyan ng mga turista ay matutulungan ng P1.6 billion sa market and product development at P124 million para sa standards development and enforcement na programa ng DoT.”

Nakakatulong din sa sektor ng turismo ang mga programa ng Department of Trade and Industry lalo na itong Negosyo Centers na pinaglaanan ng P514.579 million at shared service facilities na mayroong P200 million na budget.

Pabor rin umano sa turismo, ayon kay Siao, ang National Greening Program ng DENR na mayroong budget na P2.787 billion at iba’t ibang road and local infrastructure fund ng DPWH.

“Sana lang nga ay dagdagan na ng Tourism Department ang kanilang personnel dahil ayon sa datos na nakapaloob sa 2018 GAA, may 488 personnel lang ang DoT bagaman ang kanilang authorized plantilla positions ay 754. Kapos sila ng 266 tao,” punto ni Siao.

“Kahit man lang siguro dagdagan ng 100 or 150 regular personnel ang DoT ay malaking tulong na sa pagpapatupad ng mga serbisyo at programa lalo na sa mga tourism destinations,” ani Siao. (WAKAS)

REFERENCES: http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/TOURISM/A.pdf
http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/DPWH.pdf
http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2018/DTI/A.pdf

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88812.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

Guide: Sitemap

Fastest Web Hosting Server Provider

Tags:
 

Website Counter