Nagsumbong sa himpilan ng pulisya ang isang ginang kasama ang kanyang biyenan nang gahasain umano siya ng kanyang dalawang kapitbahay at katabi pa umano ang kanyang lasing na mister sa Caloocan City kamakalawa.
Nakilala ang mga suspek na sina Nolito Quitalig, 37, at Jovani Polloso, 35, kapwa ng PNR compound ng nasabing lungsod.
Sa pahayag ng biktimang edad 26, alas-tres ng umaga nang magising siya katabi ang mga suspek habang natutulog ang asawa sa tabi.
Nagawa umanong makapagparaos ng dalawang suspek nang pagbantaan siyang papatayin ang kanyang mister kapag pumalag sa gusto ng dalawang suspek at nang makaraos ay tumakas.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64929.0