Join MikeLigalig.com!

Why Just Read When You Can Join, Post, and Read!

Trahedya sa biro:2 patay, 9 sugatan

Started by Votives, November 14, 2012, 08:33:31 AM

Previous topic - Next topic

Votives

Isang lalaki na may-ari ng sari-sari store ang pinaghahanap ngayon ng pulisya makaraang dalawang katao ang namatay habang 9 na iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng isang container ng gasolina na pabiro nitong sinindihan ngunit biglang sumabog kamakalawa sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon.


Ayon kay PO3 Isagani de los Santos, ang pinaghahanap ay si Rolando Espelita na sugatan din matapos ang pagsabog pero biglang naglaho sa lugar.


Sa tindi ng pagsabog na may kasamang apoy, binawian ng buhay ang batang si Reslie Ann Rivano, 12, at si Irma Pinid, 26.


Kinilala ang iba pang nasugatan na si Medelyn, asawa ng tumakas na suspek, at mga anak na sina Kim Andrew, 10 at Kim Rolan, 12.


Sugatan din ang magkakapatid na sina Gracia, Edna at Radel Rivano; Rodel Tamo, Imat Pinid at Jodie Rivano, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

Votives

Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

hubag bohol

...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Visit www.kwikcare-philcare.com - Most affordable HMO Health Insurance in the Philippines