normal_post - Noong Araw.. - Weird and Extreme Author Topic: Noong Araw..  (Read 1081 times)

Barbaro

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_79 - Noong Araw.. - Weird and Extreme
  • Posts: 2639
  • 7 DAYS without PORK makes 1 WEAK.
    • Share Post
xx - Noong Araw.. - Weird and Extreme
Noong Araw..
« on: September 14, 2007, 10:01:08 PM »


 

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...

 

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga bakod at tarangkahan ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang; Sampung sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;

Merong "free" ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Mataas ang pag-galang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/Maestra:

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa eksams;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willys noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: tarak-tarakan (gawa sa lata ng sardinas na "rosebowl" ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong o takip na lata ng pulburon, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!). May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas, o "smagol" - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik...

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.

Tayo doon... Noon ... Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang mga kamay mo takip ang mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw". Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; Pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal o pan de lemon, noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?

"Susmaryosep" ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

Yung crush mo?

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biskutso? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa...

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...

May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...

> Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...

Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa panahon ng . KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay.......... ... MATANDA ka na! he he he...




Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=4529.0
" with great power comes great responsibility.." -- "Spiderman"

Lazada.com.ph Search ProductsBooking.com Hotel Search | SitemapRSS Feeds



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Latest Topics

Mintal, Davao City by mikeortegaligalig
[Today at 10:05:06 AM]


Like father, like son by hubag bohol
[Today at 09:54:42 AM]


Mount Mayon by hubag bohol
[Today at 09:52:34 AM]


Is Donald Trump a Traitor? by hubag bohol
[Today at 09:49:41 AM]


Forgotten Genocide by hubag bohol
[Today at 09:46:04 AM]


Doggies, wacky na pood, bi! by hubag bohol
[Today at 09:33:57 AM]


Pure joy by hubag bohol
[Today at 09:29:20 AM]


To sleep, perchance to dream... by hubag bohol
[Today at 09:27:14 AM]


Elite Bikers in Bohol by hubag bohol
[Today at 09:18:18 AM]


Rice Terraces in Candijay? by hubag bohol
[Today at 09:11:47 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal