Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part) - Talk of the Town

normal_post - Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part) - Talk of the Town Author Topic: Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part)  (Read 622 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_1122_1360284505 - Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part) - Talk of the Town
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • Share Post
xx - Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part) - Talk of the Town
Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part)
« on: January 10, 2013, 11:07:15 AM »
Pananampalataya, Himala at Pag-asa:
Ang Panata sa Poong Nazareno (Last Part)

Milagro kay Marlon


Halos walong taon nang namamanata sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang 28-taong gulang na si Marlon Estero, may kapareha sa buhay at naitatawid ang pang-araw-araw na pangangaila­ngan sa pamamagitan ng pagtitinda ng gulay sa Quiapo.


Simple at hindi man kasing-garbo ng buhay ng mga spoiled brat na ma­yayaman, kapag nakaharap si Marlon ay madadama ang galak sa puso nito dahil sa dalisay na pana­nampalataya sa Itim na Nazareno.


“Nagsimula po akong mamanata nang makaligtas po ako sa salvage. Napagkamalan po sigu­ro akong pusher ng drugs dahil ‘yung lugar na pinagdamputan po sa akin sa Caloocan (City) ay malala ang bentahan ng iligal na droga.


“Dinala po ako sa isang hindi ko na po alam na lugar. Kinukuryente po ako. Dasal po ako nang dasal at lahat po yata ng santo na alam ko ay natawag ko na… ang hirap po, ang sakit-sakit ng katawan ko, at pagdating po sa akala ko’y katapusan ko na ay tumawag po ako at mataimtim na nagdasal sa Poong Nazareno.


“Pagkatapos po akong tortyurin, binaril po ako sa noo na tumagos sa kaliwa kong panga. Nabulag po ang isang mata ko dahil sa pagkakabaril sa akin.


“Wala na po akong malay-tao at nagising na sa ospital. Pero ang pagkakasabi po sa akin ay nakita ako ng isang mag-asawa na nakatira sa ilalim ng tulay na palutang-lutang po sa ilog.”


“Naniniwala po ako na kaya po Niya ako binigyan ng pangalawang buhay ay para sa aking misyon na maging isang deboto ng Itim na Nazareno at maging mabuting taga­sunod po sa aral at pagsasakripisyo ng Panginoon,” ayon sa bulag na si Marlon.


Gumaling si Luisa


Isa pa sa deboto na nakaranas ng paghihimala ng Itim na Nazareno ay si Ma. Luisa Avancenia, 56-anyos, maybahay at taga-Caloocan City.


“Ako po ay nakaranas ng isang himala noong 2012. Mayroon akong bukol sa kanang dede ko. Namamanata po ako sa Poong Nazareno.


“Pagkatapos po ng 6 weeks, biglang nawala ang bukol ko… kaya alam ko po na isang himala ang nangyari sa akin… sa tulong ng pamamanata ko sa Poong Nazareno,” paghahayag ng ginang.
Pananampalataya at pag-asa


Taun-taon, makikita ang masidhing pananampalataya ng mga Katoliko sa poong Maykapal lalo na ng mga deboto pagsapit ng kapista­han ng Itim na Nazareno sa Quiapo.


Totoo man ang mga himala, ang mahalaga ay hindi nawawalan ng pag-asa ang maraming Filipino at sa pamamagitan ng pa­nanampalataya sa Diyos ay hindi basta-basta bumibigay sa anumang pagsubok at hamon ng buhay.


Sabi nga ni Bishop Bacani, maraming deboto ang nagsasakri­pisyo dahil tunay na dinidinig at tinutugunan ng Itim na Nazareno ang kahilingan ng mga mana­nampalatayang Filipino kaya nagdudumilat ang katotohanan na marami ang namamanata sa Kanyang kapistahan.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64658.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
There is oil in Bohol... (PART 2)

Started by Ligalig-Mike on Talk of the Town

1 Replies
691 Views
Last post August 24, 2007, 10:48:49 PM
by udtohan
 

Booking.com

Latest Topics

Italian takeout and delivery-only eatery by MIKELIGALIG.com
[Today at 03:49:27 AM]


The Sayings of the Buddha by balong
[Yesterday at 11:46:42 PM]


Pre-eminence cheap output medicament by Zraigcam
[Yesterday at 01:15:33 PM]


Tidiness stingy product instruction by Jazesson
[Yesterday at 12:54:07 PM]


Improve Patient Experience by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:40:53 PM]


Spine Clinic in America by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:39:06 PM]


Talent and Ventures Firm by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:37:43 PM]


Customizable Textbook Solution by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:35:54 PM]


Time, labor management, and scheduling solutions by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:34:08 PM]


Digital Marketing Agency by MIKELIGALIG.com
[April 23, 2019, 04:32:55 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal