Author Topic: Higit 70,000 lumahok sa “Run, Ride & Roll for the Pasig River”  (Read 588 times)

Pikoy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2871
  • Trip trip Lang :) walang basagan ng borit!
    • View Profile
Monday, 01 October 2012 02:01

Mahigit 70,000 katao ang dumalo at nakiisa sa panawagang linisin ang Ilog Pasig sa “09.30. 2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River” sa kabila ng matinding pagbuhos ng ulan sa Quezon City kahapon ng madaling araw (Sept 30).

Mahigit 87,000 katao naman ang nagparehistro sa advocacy event na popondahan ang rehabilitasyon ng mga estero sa Quezon City. Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 86,547 na mananakbo sa “11.20.2011 Run for the Pasig River” na siyang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon.

Tinatayang 86,000 ang nag-register sa 5km race na siyang nagsimula sa ganap na 6 a.m. sa Quezon Memorial Circle (QMC) patungong Tandang Sora Flyover at Luzon Avenue, at pabalik sa QMC.

Mas maaga namang umarangkada ang 1,000 mananakbo, siklista, at skateboarders ng 4 a.m. at tinahak ang 15km na ruta mula sa QMC, patungong Commonwealth Elementary School, at pabalik muli sa QMC.

Hindi rin nagpahuli sa takbuhan si Senador Pia Cayetano, ABS-CBN chairman at CEO na si Eugenio ‘Gabby’ Lopez III, si Gina Lopez, ang head ng ABS-CBN Cable Channels and Print Media Group na si Ernie Lopez, at ang Kapamilya stars na sina Kuya Kim Atienza, Matteo Guidicelli, Kim Chiu, Maja Salvador, at Xian Lim.

Tinatantiyang 8:15 a.m. na nang umalis ang huling batch ng mga mananakbo, ayon kay Aguda.

Nanatili sa QMC ang karamihan sa mga kalahok para sa isang programa tampok sina Sam Milby, Venus Raj, Robi Domingo, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, at ang Quezon City Orchestra.

Ipinakilala at binigyang pugay din ni Gina Lopez sa programa ang kanilang partners sa rehabilitasyon ng mga estero sa Kamaynilaa at pati na ang River Warriors, na itinuturing niyang mga makabagong bayani, dahil sa kanilang pagpapatrol sa mga estero laban sa mga nagtatapon ng basura sa mga ito.

Layunin ng event organizer na KBPIP na makalikom ng P14 milyon upang simulang linisin ang mga estero sa Quezon City bilang bahagi ng pitong taong programang rehabilitasyon ng Ilog Pasig. Sinimulan nang himukin ng KBPIP ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kung kaya’t sa 2013 ay sa San Juan City na gaganapin ang makasaysayang advocacy event.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55376.0
ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: