normal_post - AYAW TANTANAN Kung si Pacquiao nag-e-enjoy, si Mayweather problemado - Sports and Fitness Author Topic: AYAW TANTANAN Kung si Pacquiao nag-e-enjoy, si Mayweather problemado  (Read 668 times)

rogamz

  • INTERN
  • **
  • avatar_3704 - AYAW TANTANAN Kung si Pacquiao nag-e-enjoy, si Mayweather problemado - Sports and Fitness
  • Posts: 639
    • Share Post
tagalog news....

sports - AYAW TANTANAN Kung si Pacquiao nag-e-enjoy, si Mayweather problemado - Sports and Fitness Panibagong problema na naman ang kakaharapin ni dating pound for pound king Floyd Mayweather.


Matapos ang paulit-ulit na insidente ng kaguluhan kasangkot ang mga staff members at paglabag sa mga community rules, narindi na ang homeowners association at nagsampa laban kay Mayweather ng legal injunction sa Southern Highlands Estates, isang de-gate na komunidad na nilipatan ng boksingero noong 2009.


Sa pinakahuling kaso, diumano’y tumanggi si Mayweather na magpakita ng identification card sa security guards, tumangging maglagay ng identification decals sa kanyang sasakyan at bigong magdala ng gate opening transponder.


Ayon sa Las Vegas Sun, “(Mayweather) repeatedly engaged in hostile, harassing and threatening behavior toward and against certain employees and security personnel employees...including but not limited to, threatening the life of a patrol officer, physically accosting a security officer, refusing to provide identity to gate officers.”


Humihingi ang isinampang kaso sa Clark County Court ng $10,000 sa damages at humihiling kay Mayweather na tumigil na sa pananakot, pagsigaw o pangha-harass sa security at maging maayos sa pakikitungo sa lahat ng pakakataon.


Isinampa ang law suit makaraan ang ilang ulit na kaguluhan kung saan sangkot si Mayweather kabilang ang diumano’y pananakit sa isang security guard, pangha-harass at pananakot sa isa pa at nitong nakalipas na araw ay ang pagtanggi na magpakita ng identification sa dahilang dapat ay kilala na siya ng security guard at dapat ay ginawa ito sa lahat ng nakatira sa lugar.


Sapul nang manalo ang undefeated boxer noong Mayo ng nakaraang taon kontra kay Shane Mosley, naging laman ng headlines si Mayweather sa negatibong paraan.


Una na rito ang racist na patutsada kay Pinoy ring icon at 8-division champion na si Manny Pacquiao; ang pana nakit sa kanyang dating girlfriend sa harap ng kanyang mga anak; ang akusasyon ng isang security na sinundot siya sa mukha ng boxer; at ang bintang ng isang dating kaibigan na sinubukan siyang sagasaan ni Mayweather.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=36217.0
No other time than now..



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
Pacquiao vs Mayweather: HBO 24/7

Started by MIKELIGALIG.com on Sports and Fitness

0 Replies
362 Views
Last post April 11, 2010, 05:03:15 AM
by MIKELIGALIG.com
 

Latest Topics

Balod by MIKELIGALIG.com
[Today at 05:34:46 AM]


Spider Cat by balong
[Today at 04:15:13 AM]


Kasakit by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 10:38:25 PM]


Agony of Syria by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 10:37:39 PM]


Paghibalik by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 10:27:35 PM]


Handurawan by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 10:20:56 PM]


BALONG Basketball League by balong
[Yesterday at 09:41:13 PM]


Tingog sa mga Bol-anon by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 08:30:36 PM]


The Bond Movies by balong
[Yesterday at 12:30:56 AM]


if i was RICH by balong
[Yesterday at 12:22:31 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal