Author Topic: Agham at Teknolohiya  (Read 2043 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33321
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Agham at Teknolohiya
« on: February 01, 2018, 03:35:56 PM »
HONORABLE ROGER “OGING” MERCADO
Southern Leyte, Lone District
Chair, Committee on Constitutional Amendments
Deputy Majority Leader
Twitter: @OgingMercado

REP. MERCADO, ISINUSULONG ANG DALAWANG BILL UKOL SA AGHAM

“Matapos nating mamangha sa ganda super blue blood moon Miyerkules ng gabi nawa’y mag-alab ang interes ng publiko sa siyensiya para magamit ito sa ikauunlad ng bansa.”

Yan ang pahayag ni Rep. Roger Mercado ng distrito ng Southern Leyte Huwebes ng umaga. 

“Nagkataong nakasalang ngayon sa House Committee on Basic Education and Culture ang House Bill 2516 na naglalayong itatag sa Maasin ang Southern Leyte Science High School kung saan payayabungin ang interes ng mga kabataan ng lalawigan sa agham at teknolohiya,” aniya.

Bukod sa HB 2516, sinusuportahan din ni Mercado ang HB 4275 na layuning itayo ang Philippine Space Agency. Sina Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto and Rep. Edward Maceda ng Lungsod ng Maynila ang may-akda ng HB 4275.

“180 kilometers ang layo mula sa Maasin ng pinakamalapit na science high school na nasa Tacloban pa. Kapag may sariling science high school na ang Southern Leyte, mas magkakaroon ng pagkakataon ang aming mga kabataan na malinang ang kanilang kakayahan sa agham at teknolohiya,” dagdag ni Mercado.

Ayon pa sa mambabatas, mahalaga para sa mga mangingisda ang astronomy dahil nakakatulong ito para dumami ang kanilang huling isda at makapaglayag sa dagat gamit lamang ang posisyon ng mga butuin.

“Mas mauunawaan din ng mga Pilipino kung paano gawi ng Mayon Volcano tuwing nagbubuga ito ng abo. Geology, Volcanology, Seismology, Physics, Chemistry, at Biochemistry ang mga larangan ng agham na magmumulat sa publiko ukol sa kalikasan ng Mayon at iba pang mga bulkan,” ani Mercado. 

Kapag mayroon nang Philippine Space Agency, “madaragdagan pa ang ating mga man-made satellites para sa natural resource mapping, exploration ng Philippine Rise (Benham Rise) at West Philippine Sea, at mapapahusay ang monitoring ng ating mga kagubatan, integrated protected areas, at remote islands. (WAKAS)

REFERENCES: https://goo.gl/4TAQ4E  https://goo.gl/Rgg8Q7 https://goo.gl/UNrzAz

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89126.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: