Author Topic: Ibang klaseng epal  (Read 648 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Ibang klaseng epal
« on: November 14, 2012, 09:04:08 AM »
May pagkakataon na okay lang na maging epa­l. Pero teka, hindi epal na pulitiko ang tinutukoy ko, ha.

Ang ibig kong sabihin ay may mga oras kung kailan maaari tayong maging epa­l pagdating sa pagiging produktibong mamamayan.


Paano?


Una sa lahat, galing ang salitang 'epal' sa mapapel o pumapapel. Nega­tibo ang kadalasang gamit sa salitang ito, pero hayaan niyo akong baliktarin muna ito para sa partikular na usaping nais kong talaka­yin. Ang isa pang maaa­ring kahulugan ng epal ay ang pagpapel ng mamamayan sa mga usaping kalimitan ay naisasagawa lamang sa iisang panig -- sa panig ng pamahalaan.


May kaisipan ang iba na ang mga gawain at res­ponsibilidad ng pamahalaan ay sa pamahalaan lamang kasama na ang mga opisyal at kawani nito. Iniisip ng iba, "Ay, bahala na silang ayusin ang mga problema at magbigay ng serbisyo sa aming mga mamamayan".


Sa palagay ko, hindi naman dapat ganito. Sa mamamayan nangga­galing ang kapangyariha­n ng gobyerno ayon sa ating Saligang Batas at batay na rin sa mandatong ipinagkakaloob natin sa mga pampublikong opisyal kada tatlong taon tuwing panahon ng halalan.


O, paano nga napasok ang pagiging epal ng mamamayan?


Ang pag-epal (na positibo ang hangarin) sa gawain ng pamahalaan ay mahalaga at makabuluhang bahagi ng pagiging isang mamamayan ng bansa. Ang pakikialam dahil may pakialam ay importante upang maisakatuparan natin ang layunin ng pagkakaroon ng pamamahalang bukas, tapat, at may pananagutan. Dapat, 'pag may nakitang mali ang isang Juan dela Cruz sa mga gawain sa loob ng gobyerno, kailangan niyang umepal at makialam.

'Pag may nakita namang tama si Juana na ginagawa ng pamahalaan, maganda ring umepal siya at tumulong upang tuluy-tuloy ang positibong dulot nito.


Pero teka, paano ba umepal?


Isang hakbang dito ay ang pakikilahok sa mga konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan natin pagdating sa polisiya at sa budget. Tama lang ding umepal at magtanong kung sakaling walang konsultasyong nagaganap.


Kailangan din nating magtulungan upang ang pag-epal natin sa pamamahala ay may institusyonali­sadong mga paraan. Kaya naman dapat maipasa na ang mga progresibong batas kagaya ng People's Participation in Budget Deliberations at ng Freedom of Information Law.


Sa nauna, layon nitong buksan ang proseso ng pagbubuo ng budget para sa susunod na taon sa mga non-government at civi­l society organization. Sa pamamagitan nito, magiging tunay na tapat ang paggugol ng pera ng mamamayan dahil naida­an ito sa prosesong bukas.


Sa katunayan, may ganito nang prinsipyo ang DBM, sa pamumuno ni Sec. Butch Abad, pagda­ting sa pagsasaayos ng national budget. Ikinagagalak kong kahit wala pang batas na magpapanatili nito, nasimulan na ang ganitong uri ng pagiging tapat sa mamamayan ng DBM.


Tara, umepal tayo para sa positibong pagbabago at magtulungan para mapasa ang mga batas na ito!


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57715.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: