SWIMMING BILANG SUBJECT SA PAARALAN ISINUSULONG SA KONGRESO

  • 0 replies
  • 573 views
*

MIKELIGALIG.com

SWIMMING BILANG SUBJECT SA PAARALAN ISINUSULONG SA KONGRESO
« on: October 14, 2017, 09:43:10 PM »
Dahil 2.5K Pinoy ang patay sa pagkalunod kada taon:
SWIMMING BILANG SUBJECT SA PAARALAN ISINUSULONG SA KONGRESO
               
Pagkalunod ang pangalawa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga batang pinoy edad 14 pababa, ayon sa United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF).
 
Ayon din sa Philippine Health Statistics, 2,496 ang average na bilang kada taon ng mga namamatay sa Pilipinas sanhi ng pagkalunod mula 1980 hanggang 2011.
 
Dahil sa nakababahalang istatistika, inihain ni Iligan Lone District Representative Frederick Siao ang House Bill 3495 o ang Drowning Prevention Act na layong isali ang swimming lessons, safe rescue, at water safety sa subject na MAPEH (Music, Arts, Physical Education, and Health) sa mga paaralan.
 
Nais ni Siao na isali sa K-12 Basic Education Curriculum ang swimming at gawing bahagi ng istratehiya ng pamahalaan para mabawasan ang kaso ng pagkalunod sa bansa at maging recreational activity ng mga mamamayan, yamang ang Pilipinas ay isang archipelago.
 
Kapag naisabatas ang HB 3495 ni Siao, kakatha at magpapatupad ang gobyerno ng mga planong pangkomunidad para mabawasan ang pagkalunod sa bansa sanhi ng kawalan ng kaalaman sa paglangoy. Di lamang mga nasa eskwelahan ang sakop nito kundi ang lahat ng Pilipino.
 
“Lahat ng barangay at neighborhood association ay dapat magkaroon ng emergency responders na may sapat na training sa water rescue. Ang tama at angkop na emergency response ay di lamang ukol sa agarang pagdadala ng biktima sa pagamutan. Dapat kasama din dito ang water rescue at ang paglalapat ng first aid at trauma care sa biktima para mabawasan ang mga dead on arrival sa mga ospital,” ani Siao na dating Sports Director ng LGU ng Iligan City.
 
Sabi pa ni Siao, “Ang mga LGU ay dapat i-enlist ang mga dati at kasalukuyang seamen sa kanilang lugar bilang emergency responders dahil may Safety of Life at Sea (SOLAS) training at experience na sila. Pati nga ang libu-libong nursing graduates at nursing students sa bansa ay dapat i-enlist din bilang emergency responders.”
 
Bilang kasapi ng House Committee on Youth and Sports Development, umaasa si Siao na kapag naisabatas ang HB 3495 ay mababawasan na ang kaso ng pagkalunod sa bansa dahil karamihan o kundi man ay lahat ng Pilipino ay matututo nang lumangoy.
 
Ang HB 3495 ay nakasalang sa Committee on Basic Education and Culture sa House of Representatives.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87681.msg653538#msg653538
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

*SET UP YOUR OWN blog, business or personal website, or online store at www.scalahosting.com