Author Topic: Philippine Congress Bills  (Read 644 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33317
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Philippine Congress Bills
« on: September 30, 2017, 09:07:16 PM »
HON. TEODORO “TED” G. MONTORO
AASENSO Party-list
Vice Chair, Committee on Cooperatives Development
Member, Committees on Transportation, Appropriations,
Labor and Employment, and 8 other committees
 
LIMANG BILLS NA PANG-MASA PASADO NA SA KAMARA, BERSYON NG SENADO PINAMAMADALI
 
Limang (5) mga panukalang batas na direktang may kinalaman sa mahihirap, manggagawa, at magsasakang pinoy ang pasado na sa House of Representatives at naghihintay na lamang ng bersyon ng Senado bago palagdaan sa Pangulo para maging ganap na batas, ayon sa isang solon.
 
Nanawagan ng suporta sa publiko si AASENSO Party-list Representative Teodoro Montoro para sa mga sumusunod na panukalang batas na kasama siya sa mga nag-akda:
 
1.    House Bill 6152 (Compressed Work Week);

2.    House Bill 5670 (Free Irrigation Service);

3.    House Bill 5240 (National Land Use Policy);

4.    House Bill 6112 (Safety Devices in PUVs); at

5.    House Bill 5745 (Coconut Trust Fund).

 
Bilang kinatawan ng uring manggagawa sa Kongreso, nakipagtulungan si Montoro para maitulak ang mga nasabing bills. “Kailangan ng pressure mula sa publiko para madaliin na ng Senado ang pagtalakay sa limang bills na ito,” ani Montoro.
 
Heto pa ang kanyang mga pahayag:
 
“Pag naipatupad na ang HB 6152 o ang compressed work week, maraming manggagawa ang magkakaroon ng tatlong araw na pahinga na pwedeng magamit kapiling ang pamilya.”
 
“Ang free irrigation service o HB 5670 naman na kasama sa mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may suporta sa mga kasamahang kong mambabatas mula sa iba’t ibang partido mapa-admnistrasyon man o oposisyon. Daang libong mga magsasaka ang makikinabang sa libreng patubig sa mga sakahan kapag nagkataon.”
 
“Ang National Land Use and Management Bill (HB 5240) ay matagal nang isinulong ng mga pro- agrarian reform at pro-environment na mga grupo. Sa wakas ay pasado na ito sa Kamara.”
 
“Ang Public Utility Vehicles Safety Monitoring Act (HB 6112) na nag-uutos lagyan ng closed-circuit televisions (CCTV) at global positioning system (GPS) trackers ang mga pampublikong jeep, bus, taxi, UV express, at TNVS ay layong gawing mas ligtas ang mga pasahero at motorista sa lansangan. Ang hamon na lang ay gawing magaan para sa mga operator at driver ang pagbili ng mga CCTVs at GPS trackers.”
 
“At pang-lima na kapapasa lang sa Kamara nitong Lunes sa botong 216-7 ay ang Coconut Farmers and Industry Development Trust Fund na layong magtaguyod ng trust fund para sa mga mahihirap na magniniyog.”
 
Pahabol ni Montoro, maaring ipabatid ng taumbayan sa mga senador ang kanilang pagsuporta sa mga nasabing mga panukalang batas sa pamamagitan ng social media at pagdalo sa mga public forum hinggil sa panukala.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87490.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: