normal_post - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippines Author Topic: Landbank Loan for DepEd Teachers  (Read 444 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippines
  • Posts: 25231
  • medal1 - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippinesmedal2 - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippinesmedal3 - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Landbank Loan for DepEd Teachers - Press Release Philippines
Landbank Loan for DepEd Teachers
« on: April 08, 2018, 12:53:16 AM »
REP. SALVADOR B. BELARO, JR.
1-Ang Edukasyon Party-list
Assistant Majority Leader
Member, Higher and Technical Education and 10 other committees

PAGPROSESO NG LOAN DEDUCTIONS SA SAHOD NG DEPED TEACHERS, DAPAT IPAUBAYA SA LANDBANK

Dapat ipagkatiwala ng Department of Education sa Landbank of the Philippines ang pagproseso sa mga salary deductions kaugnay ng mga utang ng mga pampublikong guro.

Yan ang nakikitang solusyon ni Una Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro, Jr. sa malaking problema ng DepEd ukol sa loan ng mga guro sa kanilang mga pinagkakautangang mga pribadong bangko, loan associations, at iba pang nagpapautang.

Ani Belaro maaaring maisakatuparan ito sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at Landbank.

“Hindi na dapat trabaho pa ng DepEd ang pag-asikaso sa mga salary deductions ng mga guro sa private lenders. Sa mga trabahong pang-DepEd dapat ginugugol ng mga DepEd administrative staff ang kanilang oras at lakas, at hindi sa pag-compute at pag-asikaso ng salary deductions,” ani Belaro.

Sa tingin ni Belaro, mas may kakayahan, kapasidad, at karanasan ang Landbank sa mga programang may kinalaman salary deductions dahil depository bank ito ng gobyerno.

“Finance ang expertise ng Landbank. Kayang-kaya nitong gampanan ang trabahong ‘yan,” paniwala ni Belaro.

“Bagaman dagdag trabaho ‘yan para sa Landbank, dagdag kita rin iyan para sa kanila dahil sa service charges; bukod pa sa magkakaroon ng pagkakataon ang Landbank na makatulong sa mga guro kaugnay ng pagsasaayos ng kanilang financial situation para maiwasan nilang mabaon sa utang,” punto ng mambabatas.

Dagdag pa ni Belaro: “Win-win solution ito para sa DepEd at mga guro - makakabayad at patuloy na makakapag-loan ang mga guro, habang ang DepEd naman ay mas makakapag-focus sa mga mas importanteng bagay na may kinalaman sa kalidad ng pampublikong edukasyon sa buong Pilipinas.” (WAKAS)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89492.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

*SET UP YOUR OWN blog, business or personal website, or online store at www.wirenine.com




Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via tumblr Share via twitter

xx
DepEd Loan Budget

Started by MIKELIGALIG.com on Philippine Government

0 Replies
466 Views
Last post April 10, 2018, 08:17:53 AM
by MIKELIGALIG.com
xx
Take Home Pay of DepEd Teachers

Started by MIKELIGALIG.com on Philippine Education

0 Replies
818 Views
Last post October 26, 2017, 10:00:26 AM
by MIKELIGALIG.com
 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal