normal_post - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippines Author Topic: Gift Check Non-Expiry Bill  (Read 371 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippines
  • Posts: 24612
  • medal1 - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippinesmedal2 - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippinesmedal3 - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Gift Check Non-Expiry Bill - Press Release Philippines
Gift Check Non-Expiry Bill
« on: November 11, 2017, 03:55:49 PM »
THE HONORABLE HENRY C. ONG
2nd District of Leyte
Vice Chair, Committee on Banks & Financial Intermediaries
Member, Committees on Transportation, Visayas Development,
Economic Affairs, and 8 other committees

IRR NG GIFT CHECK NON-EXPIRY ACT, PINAHAHANDA NA SA DTI PARA UMABOT SA PASKO
 
Yamang halos tiyak nang maisasabatas ang Gift Check Non-Expiry bill bago sumapit ang pasko, inudyukan ni Leyte 2nd District Congressman Henry Ong ang Department of Trade and Industry na asikasuhin na agad pag-draft ng Implementing Rules and Regulations nito para maramdaman na agad ng publiko ang bisa nito.
                                                     
Si Ong ang isa sa mga may akda ng bersyon ng Gift Check Non-Expiry bill sa House of Representatives.

Payo ni Ong, “Ang kailangan lang gawin ng DTI ay i-update ang Department Order No. 10-04, series of 2010, at ang iba pang kaugnay na kautusan ng DTI hinggil sa gift check at iyon na mismo yung pwede nilang i-adapt bilang IRR.”

“Kadalasan kasi, matapos maging epektibo ang isang batas, binibigyan pa ng 90 days ang isang departamento para gumawa ng IRR, pero sa kaso nitong Gift Check Non-Expiry Act, I don’t think the DTI needs three extra months to accomplish that. I-uupdate lang nila yung Department Orders nila. Dapat ding abisuhan na agad ang mga issuer ng GCs hinggil sa bill na malapit nang maging batas para bawas aberya. Kailangang madaliin na ito ng DTI para umabot sa pasko at mapakinabangan na agad ng publiko,” giit ni Ong.

Pag naging batas na ang panukala ni Ong, ipagbabawal na ang pag-issue ng mga gift checks, gift certificates, o gift cards na may expiration date. Nais tiyakin ng panukala na ang mga consumer ay di napagkakaitan ng halaga ng kanilang salapi hanggang sa huling sentimo gaya ng nakasaad na halaga sa gift check.

Ang discount para sa mga senior citizen at may kapansanan ay dapat pa ring i-aplay kahit na gift check ang ipambabayad, ayon sa panukala.

Nagkasundo na ang Kamara at ang Senado sa bicameral conference committee report at ipadadala na ito sa Malacanang para mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa November 20, muling magbabalik sesyon ang Kongreso matapos ang ASEAN holiday. (WAKAS)

REFERENCES:
https://drive.google.com/file/d/0B0ilL7KAK3i5eGJVYVlXdTAwenM/view
http://www.philstar.com/headlines/2017/08/09/1726937/no-more-expiry-date-gift-certificates

CONFERENCE COMMITTEE INFORMATION
DATE REQUESTED TO FORM A CONFERENCE COMMITTEE: 2017-09-18
CONFERENCE COMMITTEE REQUESTED BY: HOUSE
DATE AGREED TO FORM A CONFERENCE COMMITTEE: 2017-09-20

REMARKS:

CONCOM MEMBERS(HOUSE): Biron, Romualdo, Vergara, Zubiri, Castelo, Sy-Alvarado, Tambunting, Belmonte (J.C.), Ortega (V.N.), Arcillas
CONCOM MEMBERS(SENATE): Zubiri, Gatchalian, Villar, Angara, Aquino
DATE HOUSE AGREED ON CONCOM REPORT: 2017-10-10
DATE SENATE AGREED ON CONCOM REPORT: 2017-10-11

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88041.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Where to Stay in Bohol? Book at Dao Diamond Hotel and Restaurant in Tagbilaran City. Online reservation at: https://www.daodiamond.com



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal