THE HONORABLE FREDERICK W. SIAO
Lone District of Iligan City
Vice Chair, Committee on Tourism
Member, Appropriations, Economic Affairs, and 8 other committees
Facebook: /congressmansiao Twitter: @freddiesiao
Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Vinta sa Mindanao
DRRM BILLS HINILING I-CERTIFY AS URGENT
Para mapabilis ang pagsasabatas ng mga panukalang batas na may kinalaman sa natural disasters, hiniling ni Iligan City Representative Frederick Siao na i-certify as urgent ang mga naka-tenggang bills sa Kongreso ukol sa disaster risk reduction and management.
Ang mga Kalihim ng Department of Budget and Management at National Economic Development Authority ang mainam magrekomenda kay Pangulong Duterte na madaliin ang pagsasabatas ng DRRM bills, ayon kay Siao.
“Mabagal ang normal na proseso, pero kung ma-certify as urgent ni President Duterte ang mga bill, kayang ipasa ang amendments sa DRRM Act of 2010 bago matapos ang kasalukuyang sesyon sa Mayo 2018,†aniya.
Magugunitang hiniling na ni NEDA chief Ernesto Pernia sa Kongreso na bilisan ang pagrepaso sa DRRM Act of 2010, pero pinunto ni Siao na ang mas mabisang solusyon ay ang certification as urgent ng Presidente.
Iminungkahi rin ni Siao na gumawa ang DBM at NDRRMC ng isang capacity building program para sa mga coastal at river basin na LGU lalo na iyong mga 4th, 5th, at 6th class municipalities.
“Kulang sa plantilla positions, mga technical expert, at disaster preparedness programs ang mga pinakamahihirap na bayan dahil kapos sila sa pondo. Masosolusyunan ito ng capacity building program na dinesenyo para sa mga high-risk LGUs,†dagdag ni Siao.
Habang umuusad ang DRRM Law amendments, ayon kay Siao, maaari nang balagkasin at ipatupad ang capacity building program.
“Hihikayatin ko ang mga kapwa ko congressman para madaliin ang DRRM Law amendments at para ma-aprubahan ang budget para sa DRRM capacity building programs,†wika ni Siao.
Inter-city/ metropolitan solutions sa mga kalamidad ang kailangan namin dito sa Mindanao kaya naman kakailanganing magkaisa ang mga kapwa ko kongresista sa Mindanao para maisabatas ang isang DRRM bill. (WAKAS)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88703.0