NINERBIYOS tayo sa pamantayan ng serbisyo publiko ng pinatalsik na Pangulong si JOSEPH ‘Erap’ ESTRADA nang hindi man direkta ay sabihan niyang walang itsura (read: pangit) si Manila 6th district 3 termer Councilor LOU VELOSO.
Si LOU VELOSO na isang mahusay na stage and television actor. Sumikat na walang kinasangkutang kontrobersiya at higit sa lahat nagmamantini ng isang malinis na sining sa larangan ng pag-arte.
Nang pumasok sa politika, mismong ang kanyang mga constituents ang makapagpapatunay na kahit ilang beses siyang tumakbo sa public office ay hindi siya pumasok sa sistema ng mga traditional politician (TRAPO). Hindi rin nasangkot sa katiwalian ang kanyang serbisyo publiko.
Si LOU VELOSO, may eleksiyon man o wala ay palagiang nakikita sa distritong kanyang pinaglilingkuran.
Tinatapos na niya ngayon ang kanyang ikatlong termino (FULL TERM) bilang konsehal. Natapos niya ang kanyang termino na hindi natin siya kinakitaan nang biglang paglobo ng kabuhayan. Pagkakaroon ng mamahaling sasakyan (SUV) at pagkakaroon ng mga bahay sa posh subdivisions sa Metro Manila. Hindi nasangkot sa JUETENG issue.
Higit sa lahat, si LOU VELOSO ay nanatiling nakaapak sa lupa.
At alam nang lahat na siya ay isang malaking kabaligtaran kung kanino siya ikinokompara ni ERAP.
Nakapanghihinayang na kahit naabot ni Erap ang pinakamataas na pwesto sa politika dito sa ating bansa ‘e napakababaw pa rin ng kanyang mga pagtingin at persepsiyon sa bagay-bagay …
Malinaw na CHARACTER ASSASSINATION ‘yan kay LOU VELOSO …
Sa kabila ng kanyang naranasan sa kanyang buhay-politika, HAMBOG pa rin si ERAP.
Sabi nga ni Comelec Commissioner Armando Velasco sa mga kandidato, “iwasan ang paninira sa mga kalabang kandidato para lamang maging popular sa mga botante.â€
At wala naman sa panlabas na anyo ang batayan ng magandang panglilingkod sa bayan.
Uulitin ko lang po, WALA SA GANDANG LALAKI
ANG MORALIDAD NG TUNAY NA SERBISYO PUBLIKO.
Gets mo?!
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55377.0