Teodoro wagi sa Cebu mock polls
(Pilipino Star Ngayon) Updated January 24, 2010 12:00 AM
Cebu City , Philippines – Pinili ng mga Cebuanos si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. kaysa sa ibang mga presidential candidates sa isinagawang mock polls matapos ang isang presidential forum sa lungsod na ito kamakalawa.
Itinuturing na ngayong “manok†ng mga Cebuanos si Teodoro matapos na makakuha ito ng pinakamalaking boto sa isinagawang presidential forum na inorganisa ng Cebu Chamber of Commerce and Industry, Mandaue Chamber of Commerce and Industry, Cebu Business Club at Aboitiz Equity Ventures at Visayan Electric Cooperative na ginanap sa Cebu International Convention Center na dinaluhan ng may 2,000 Cebuanos.
Sa 935 bumoto sa mock polls, 456 ang nakuha ni Teodoro na unang binansagan na dark horse, kasunod si Sen. Noynoy Aquino na may 296 votes; Sen. Manny Villar, 88 votes; Sen. Richard Gordon, 45 votes; Bro. Eddie Villanueva na may 29 votes at 19 boto naman kay dating Pangulong Estrada.
Masaya din pinakinggan ng mga Cebuanos ang inilatag na plataporma ni Teo¬doro at sinabi nitong hindi dapat tawagin na “Queen City of the South†ang Cebu kundi dapat ay “Queen City of the Philippinesâ€.
Pagkatapos din ng presidential forum ay kasama ni Gibo ang iba pang presidential candidates na lumagda sa isang covenant para sa malinis, maayos, mapayapang eleksyon sa May 2010. (Rudy Andal/Joy Cantos)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=24834.0