Author Topic: Interview by DWIZ/Karambola by Jojo Robles, Conrad Banal and Jonathan dela Cruz  (Read 1017 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33320
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
*INTERVIEW OF PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE  *

*SECRETARY MARTIN ANDANAR*

*DWIZ/Karambola by Jojo Robles, Conrad Banal and Jonathan dela Cruz*

*September 13, 2016/8:49-9:06 A.M.**





Q:

Good morning sa iyo, Martin at welcome sa Karambola.



SEC. ANDANAR:

Good morning po.  Sir Jojo, Sir Jonathan, Sir Conrad. Medyo mahina po iyong
dating ninyo, sir.



Q:

Okay, lakas-lakasan natin ng kaunti. Balita ko nagkakaroon na raw ng
reputasyon iyong inyong department na—Department of Apology na raw ang
tawag diyan. Totoo ba ito?



SEC. ANDANAR:

For every mistake, you really have to apologize.



Q:

Tama rin iyan. Tama rin. Kaysa  magpalusot ano ho, kaysa makipag-argue, mas
mabuti na iyon.



Q:

Kasi iyong iba ay palusot.



SEC. ANDANAR:

Ako naman ay hindi perpektong tao, at we accept criticisms from—certainly,
hindi po tayo napipikon. Mali naman talaga iyong   ginawa ni Asst.
Secretary Mon Cualoping na tinanggal po iyong martial law doon.   Nung
nalaman ho natin iyon,   nung nakita iyon ay kagyat hong pinabalik iyong
martial law, pati iyong exile po ni Presidente Marcos sa Hawaii. Talagang
mali ho iyon. At iyong nagkaroon po ng overzealous na iyong Presidential
News Desk,  at sinama iyong sitting arrangement na hindi naman  ho dapat,
dahil  under the protocol hindi naman po nire-release iyong mga  sitting
arrangement, ay nagpatawag  tayo ng imbestigasyon. At the same time I
accepted full responsibility because I am the head of agency. At rest
 assured that  these mistakes won’t happen again.



Q:

Martin, ako may tanong ako. Ano ba talaga ang pinagmulan noon, isa-isahin
natin. Iyong sitting arrangement lang  iyong naging controversy tungkol
diyan? Saan ba—



Q:

Na pinalaki iyan.



SEC. ANDANAR:

IN every international multilateral event ay meron hong maliit na  booklet
na binibigay ho sa mga government officials, nandoon nakalagay iyong mga
sitting arrangement, alam po ni Ambassador Jonathan iyan. And we are not
supposed to telegraph it. We are not supposed (unclear) or relay them. But
still we’re saying that bakit kinuha naman ng media kung sino po iyong
nakaupo doon (unclear) sa Protocol? Bukod po doon ay meron pong naging
Minister-to-Minister information, kuwentuhan in the staff that nabanggit
doon na  posibleng magkatabi si President Obama,  si President Duterte,
iyong Prime minister ng Lao, at iyong sa United Nations  doon po sa isang
(unclear). Iyon po iyong pinaguusapan nung mga—eh nagkataon po na iyong
ating Presidential News Desk was there during the conversation nung ito  po
ay napag-usapan natin over dinner, ay became  too overzealous, and siguro
ang pakiramdam niya ay reporter pa rin siya, at naka-exclusive siya,
sinulat. So iyon po ang nangyari.



It was a bad call, and I’d like to say na it did not go through me. I did
not give any authorization. Kaya the next day when the reporters asked me
about the sitting arrangement, sabi ko anung sitting arrangement? Sabi nila
eh ni-release ho ng opisina ninyo,  ng Presidential News Desk. Naipit po
ako, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman
in-authorize na ilabas iyon. Sabi ki po... eh sinabi ko iyong katotohanan.
Sabi  ko na, there’s supposed to be a sitting arrangement na magkatabi po
iyong ano, pero (unclear)  to speculate, because this sitting  arrangement
can  change at the end (overlapping voices).



Q:

Pero nakakatanggap din kayo ng mga maanghang na salita, Secretary. Sabi
kasi iyong Malacañang ngayon masyadong accommodating kay Marcos, iyon ang
reaksyon.



Q:

Hindi, iyan iyong pangalawang isyu.  Pangalawang isyu iyong paratang sa
kanila mabigat, historical revisionism.



Q:

 Rebisyon ano. Ano po ang reaksyon ninyo doon?



SEC. ANDANAR:

Kung anuman ho ay pinagsabihan ko po iyong Assistant Secretary na in charge
doon, pinabalik ko. And then iyon, then he (unclear) up to, siya ang may
responsibility, that he was the one who did that. Hindi ho maganda,
pinaimbestigahan din ho natin. So today there is an investigation, though
he already expressed his apologies to the public and to those who he never—



Q:

Saka po iyong nagsulat. Asec, hindi ba, ang in-charge doon?



Q:

Asec na ang nagsulat, na in-approve nung Asec. Ang nagsulat isang  staff ng
News Desk.



SEC. ANDANAR:

Isang staff po ng Strategic Communications po, in charge ng...



Q:

Tatlong portions naman doon, isa lang naman iyong medyo problemado iyon.
Unang-una, ang sinabi doon ay birthday. Number two, ang sinabi doon ay
longest serving president. And number three iyong tungkol nga doon sa
pagde-declare ng martial law at saka iyong sa exile. Iyon lang.



Q:

Nangyayari  iyan eh. Pero bakit naman revising the history  na agad iyon?



Q:

Hindi naman  revising the history iyon eh.



Q:

Ako, ito lang ang gusto kong  sabihin, Martin. Tayo naman ay  hindi naman
tayo mga bagito na hindi sa naguusap. Iyong mga nagrereklamo, bakit daw
iyong Official Gazette, ginagamit ‘no – dahil Diyos ko naman iyong mga
nagsasabi  nito, iyan iyong mga gumagamit ng Official Gazette.



Q:

Katakot-tako ang paggamit nila sa panahon nila



Q:

Manolo Quezon ba iyan?



SEC. ANDANAR:

Ang katotohanan nga diyan ho talaga, the main role of the Official Gazette
is to publish rules, regulations, laws, executive orders, administrative
orders; iyon na po talaga eh. The Official Gazette is a quarterly
publication. (unclear) talaga iyan, na tong sa social mfedia, this is just
an extension of the Official Gazette na ito iyong binuo ni Manolo Quezon
nung siya ay naupo diyan as undersecretary. So, nag-evolve na po ito eh,
pero kung titingnan po natin iyong batas, dapat hindi ho talaga ito
ginagawa ng Official Gazette.



Q:

Eh ginamit nila iyan, silang dalawa ni—ang tindi nga ng paggamit diyan ni
Ricky.



Q:

Gusto ko lang balikan iyong Official Gazette na iyan.



Q:

Mga troll na iyan.



SEC. ANDANAR:

Alam ho natin na talagang hati ho ang bansa natin, meron pong pro- Marcos,
may anti-Marcos. Kaya lumaki po iyong istorya, kasi nung una—I understand
nakalagay ho doon iyong martial law, tapos in-omit, tapos nagreklamo, tapos
binalik natin, tapos nagreklamo pa rin. And on top of that, gumawa sila –
hindi ko alam kung sino sila – ng isang parody na superficial gazette,
gamit pa ho iyong bandila ng Pilipinas, gamit pa ho iyong ating logo.



Q:

Mabibilis sila sa ganyan.



SEC. ANDANAR:

Oo, mabibilis sila sa ganyan. Isipin mo iyong socialite na... iyong
socialist na naging socialite eh....



Q:

Wala kang magagawa riyan. Walang ginagawa iyan kung hindi sabihin na ano.



Q:

Pero ito gusto ko talagang itanong ke Martin, kaya ko pinatawagan ngayon si
Secretary Andanar. Ang daming nagsasabi, Martin, siyempre alam natin kung
sinu-sino, halo na lahat iyan pati iyong mga anti-Duterte, mga dilaw, kung
tawagin ni Pangulo, eh talagang mahina raw iyong ating ComsGroup. Ano ang
reaksyon mo diyan?



SEC. ANDANAR:

Well, talagang marami ho ang pagkukulang. Tatapatin ko na po kayo, lahat po
ng by the book na nakasulat na dapat gawin, ginagawa ho natin, pero wala ho
tayong pera, kulang ho tayo sa pera.



Q:

Isa iyon. At saka may appointment na ba iyong mga tao mo? Parang hindi pa
rin nakaka (unclear)yata?



SEC. ANDANAR:

Meron na pong mga appointments po, at meron na po iyon sa government
agencies. The elephant in the room really is the money. In the past
administration, they had been spending millions and millions of pesos of PR
money. (Unclear) pagka ginawa iyon. We’ve been operating for the last 60
days just using our own devices, left to our own devices na wala ho kaming
pera.



Q:

You should know kung saan napunta iyong budget.



SEC. ANDANAR:

Oo, iyong first six months (unclear) kasi wala po kaming pera pang-PR,
Public Relations. And that is part of the play book. And that is the reason
why I get all of the flak. People are writing about my competency. You
know, I wasn’t born yesterday, alam ko po iyan.  But what do you do when
you don’t have money? Of course you’re left to your own devices, and you do
whatever you have with whatever resources you  have in your hands.



Q:

Ano, iniwan ba nila diyan iyong mga equipment, kasi baka kinuha nila Ricky
iyan. Tapos ang  mga iyan pinagkukuha nila ha. Ang tindi  din ng mga
equipment ng mga iyan dati.



Q:

Government property iyan.



Q:

Hindi naman yata dumaan sa process.



Q:

Dinaan nga iyan sa credit card, ikaw naman, naalala mo ba iyon? Credit card
ni (unclear)iyong pinambili diyan.



Q:

But anyway, I think you would have a very good opportunity, Martin, dahil
maganda naman ang produkto ninyo. If you look at it from a propaganda
perspective, you have an excellent product in President Duterte. So kaya
ang napo-focus ngayon ay parang kayo, iyong pag-deliver naman ninyo ng
message ni Pangulo, doon daw nagkakaroon ng problema.



Q:

Ginagawan nila ng problema.



SEC. ANDANAR:

Alam n’yo naman ho na ang ating produkto ay napakaganda ho. At alam ho
natin na ang iyong ating produkto everytime  nagsasalita po iyong ating
produkto ay nagiging istorya, nagiging headline po iyan. Hindi ho naman
iyong produkto natin na puwede ho nating diktahan kung anung sasabihin.
Itong mga umaasa lang ho sa _11:59 ay sinusulat ng mga Communications
Department at sa _12:05.9____po natin ay ni hindi nagpapadala eh.



Q:

May speech na nga tapos _____ pa  roon eh.



SEC. ANDANAR:

So we accept criticisms constructively.  But then I also address criticism
that are being thrown at us, ­­­­_____there is really no rationale to it.
They don’t know the story inside Malacañang and what’s happening in a room.
And _____12:30.9 and we’re dealing with leader who has a very, very strong
personality and quite different from the past presidents that we’ve had.



Q:

Secretary umaangal din iyong inyong principal, si Duterta na binabanatan
daw siya, unnecessary, unfounded, but he doesn’t care, ganoon.



SEC. ANDANAR:

Opo.



Q:

But kayo, its your job to care as Secretary, hindi po ba. How do you assess
now, ano po ba ang tingin ninyo   sa media ngayon, fair kay Duterte o medyo
killing a guess or killing in favor of. Ano po ba ang assessment ng inyong
office?



SEC. ANDANAR:

Well, meron po namang media na fair, at meron din naman pong ibang media
na—I am not saying that  they are not fair, but maybe they failed to read
the  real message. Sinusunod po natin ang ating Pangulo. Pag nagsalita po
ang ating Pangulo, tila jurisdiction or historical and social protection.
So, iyon po ay nasasabi ninyo hindi naman lahat ng presidente ganoon
magsalita. At pati ang Pangulo ay meron po siyang stage na hinuhugutan
tulad ho sa Mindanao. At kayo ‘no, 13:54____ ng ating media kung saan  po
siya nanggagaling.



Q:

Saka hindi nila inilalagay sa context.Iyong mga nagbabasa, ano na lang, ang
tingin nila itong is President Duterte kailangan ito, punahin natin ito,
masama  ang gising  o  iyong kanyang pag-ano ng barong tagalog, iyon lang
ang mga pinag-uusapan. Hindi naman iyan pinaguusapan iyong mga laman, iyon
ang mabigat, iyong policy ayaw  pag-usapan.



Q:

Iyong mga kritiko sa mga maliliit na bagay.



Q:

Iyong pagmumura.



Q:

Samantalang ito, talaga naman itong presidente, ang kanyang ipinangko
change eh, change nga ito, pagbabago nga ito eh.



SEC. ANDANAR:

Opo eh binoto po natin siya na ganoon ho ang ating Pangulo. And we also
have to understand that our President is his own communications man. At
narating niya po ang tugatog ng tagumpay itong pagka-pangulo sa pamamagitan
po ng sarili niyang tactic sa media, wala po siyang inasahan. And kung
tatanungin ninyo ako, bakit hindi mo makontrol ang Presidente mo,   whom am
I?



Q:

Hindi ka namin tatanungin ng ganoon. Wag kang mag-alala.



Q:

Iyong mga nagsasalita ng tungkol sa ganoon, hindi nila naiintindihan si
Presidente Duterte At hindi nila naiintindihan iyong trabaho ng
Communications Group. Hindi nila naiintindihan iyan.



Q:

So ang assessment mo, okay lang, you are doing fine sa media.



SEC. ANDANAR:

Salamat po. at nais ko lang—I want to share with the group. sa inyong tatlo
na, halimbawa, I’ll give you an example. We play it by the book. Sasabihin
namin na merong pre-departure address ang Pangulo. Alam naman ng Pangulo na
no question and answer portion; alam ng media, nakasulat po iyan; tinanong
ninyo doon sa MARO no question and answer, last minute babaguhin ng
Presidente iyong rules.



Q:

Na meron ba kayo, may tanong ba kayo?



SEC. ANDANAR:

May tanong ba kayo? Eh what do you expect me to do? That is to overrule my
policy. Of course at the end of the day the buck stops with the President,
you follow what he says and he is our principal. Kaya iyon po ay dapat
maintindihan din ng mga kritiko. But I’m not saying na, you know, stop
criticizing me. Go ahead and criticize me because I am public servant. And
just like my President, if you think I’m wrong criticize me, and you know,
meron naman... I cannot explain to everyone kung ano iyong problema. I
cannot tell everyone that I know that I don’t have money to pay PR.  Hindi
naman ganoon eh. But thank you so much for understanding my job and
challenging. And the more that we  interact like this, the more that I
learn new things.



  Q:

Martin may pahabol ako, merong balita sa Tribune ngayon, you’re restricting
access daw, totoo ba iyan?



SEC. ANDANAR:

Well hindi po iyon. Alam n’yo, ‘pag may mga okasyon ay hindi naman nila
binabasa iyong _____16:46 Office.



Q:

Hindi ako ang nagsabi nun ah, nire-report ko lang sa iyo.



SEC. ANDANAR:

Hindi, in-explain ko ito eh. Doon   ho sa  Appointments Office, the PCO
does not hold the  monopoly of what happens to the activities of the
President ‘no. Dumadaan sa  Social Secretary, Appointments  Office,  and
they are the ones to decide if the events  should be live or covered live.
At malinaw po doon na hindi po live, if it cannot be covered live, but you
can still stay there and you can cover the event. Iyon lang po iyon, it’s
as simple as that, hindi puwedeng live. You know of course iba-iba po iyong
interpretasyon ng media, iba sasama ang loob dahil hindi
nakakapag-(unclear) live. But then again, ano iyan eh, all for one, one for
all.



Q:

Salamat, Martin. It’s refreshing to talk to my—to somebody who does not
give us, iyong mga holistic.



Q;

Ordinary holistic approach.



SEC.ANDANAR:

Mahirap iyan.



Q:

So lamang tayo, Martin ha, sa media ha.



SEC. ANDANAR:

Maraming salamat.



Q:

Pero pabayaan  mo na iyong mga medyo....



Q:

Alam naman ni Pangulo mismo nagsasabi dilaw iyan eh. Hayaan mo na iyon.



SEC. ANDANAR:

Iyon nga, sinabi ni Presidente kagabi merong concerted effort ng mga dilaw
para matanggal siya.



Q:

From the very start ayaw nila sa kanya, hindi nila siya kakilala.



Q:

Ako talaga theory ko, personal kong theory habang nandoon iyong dilaw na
vice president, magpapatuloy. Alam mo, iyon ang aking theory. Matagal ko
nang (overlapping voices)



Q:

Na-neutralize na nga iyon, hindi ba?



Q:

Alam mo pare, one word – succession. That is the only thing that matters sa
kanila.



Q:

Pero bayaan mo na  ang Supreme Court na ang magdesisyon.



Q:

Salamat, Martin, ha.



SEC. ANDANAR:

Maraming salamat sir Jojo, Congressman Jonathan and Mr. Conrad. Mabuhay po
kayong tatlo.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=82800.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: