Nicole, 7, biktima ng ligaw na bala
WALANG KUWENTANG KAMATAYAN!
Nagdadalamhati ngayon at umaapela ng hustisya sa mga awtoridad ang pamilya ng pitong taong gulang na si Stephanie Nicole Ella na pumanaw na habang pinagsisikapang maisalba ang buhay sa East Avenue Medical Center matapos tamaan ng ligaw na bala kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Dr. Emmanuel Bueno ng East Avenue Medical Center, dakong alas-2:26 kahapon ng hapon nang ideklarang patay na si Nicole makalipas ang ikawalong cardiac arrest na nagsimula kahapon ng madaling-araw.
Isinugod si Nicole sa nabanggit na ospital makaraang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha habang nanonood ng fireworks display sa labas ng kanilang ta¬hanan sa Barangay 185, Malaria, Tala, Caloocan City.
Plano umano sana ng mga doktor na operahan si Nicole sakaling gumanda na ang kondisyon nito subalit dumanas ng walong cardiac arrest ang paslit hanggang sa bumigay na. Subalit inamin ni Dr. Bueno na sakaling magtagum¬pay man ang kanilang ope¬rasyon ay magmimistulang gulay naman ang biktima.
“Ang magulang masamang-masama ang loob. Ang mahal na anak, bata pa pumanaw na nang walang kakuwenta-kuwenta, sa indiscriminate firing ng isang walang kuwentang tao,†pahayag pa ni Bueno.
“Walang kakuwenta-kuwenta ang pagkamatay ni Nicole!†ito naman ang galit na galit na pahayag ng ama ng biktima na si Jay Ella na umapela sa mga awtoridad para mahuli ang may kagagawan ng indiscriminate firing upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng kanyang anak.
Ikinuwento ng ama na nanonood lamang sila ng fireworks display nang big¬lang bumulagta si Nicole na inakala niyang na¬dulas lamang pero nang buhatin nila ito ay umaagos na ang dugo dahilan upang isugod sa pagamutan.
Inilarawan pa ng ama na isang masayahing bata ang anak at pangarap umano nitong yumaman para maka¬tulong sa pamilya.
“Malikot din, malikot pero isa siyang masayahing bata, `pag sinuway mo titigil na. Mahilig siya mag-aral, mahilig magbasa, mag-drawing. Pangarap niyang yumaman, basta `yun ang pokus niya, yumaman para makatulong sa amin,†ani Jay.
Samantala, hawak ngayon ng Caloocan City Police ang apat na basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril na nakuha sa lugar nina Nicole, upang ikumpara sa punglo na tumama sa biktima.
Ilang bystanders umano ang nag-turnover sa kanila ng mga basyo sa mismong pinangyarihan ng krimen kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Nicole.
Ayon kay Senior Supt. Rimas Calixto, hepe ng Caloocan Police, hinihintay lamang nilang makuha ang punglo na tumama kay Nicole at kanila itong ipapadala sa PNP Crime Laboratory upang suriin at doon nila sisimulan ang imbestigasyon para sa posibleng pagkatukoy ng may-ari ng ginamit na baril.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64044.0