Operator at Driver ng Pamar Bus Line Posibeng Tanggalan ng Prangkisa dahil sa aksidente sa EDSA
Press Release: Nahaharap sa posibleng pagtanggal ng prangkisa at patong-patong na kaso ang operator at drayber ng Pamar Bus Line, isang pang-probinsyang operator ng Public Utility Bus (PUB), matapos nitong araruhin ang halos labing dalawang (12) concrete barrier sa Edsa Ortigas malapit sa Carousel 5, ika-28 ng Pebrero, pasado ala-5 ng umaga.
Sa pagsisiyasat ng PNP Regional Highway Patrol Unit- NCR, na agad nitong pinagbigay-alam sa himpilan ng LTFRB, napag-alaman na ang naturang PUB ay pagmamay-ari ng JVH Transport LTD CO at minamaneho ni Mr. Nestor Balde Barcelon, residente ng P-9 Lower Bonga, Bacacay Albay.
Kaugnay nito, naglabas ng Show Cause Order ang LTFRB laban sa naturang kumpanya upang pormal na sagutin sa loob ng limang araw kung bakit hindi sila tatanggalan ng prangkisa kaugnay sa diumano’y walang ingat na pagmamaneho na nagresulta sa pagkasira ng mga pampublikong ari-arian at paglabag sa MC 2020 051 o mas kilala bilang “Guidelines for the Operations of Provincial PUBs to and from Metro Manila during the period of GCQ and MGCQ.”
Inaanyayahan din ang may-ari o representante ng kumpanya na humarap sa pagdinig sa nasabing kaso sa ika-23 ng Marso 2022 alas-9 ng umaga sa LTFRB East Avenue, Quezon City.
Samantala, wala namang nasugatan o namatay sa nasabing insidente. Maayos nang na-iturn-over ang naturang sasakyan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa takdang proseso.
Photo courtesy of MMDA
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121901.0