KURATSA BOHOLANA
(Kapag Maraming Salapi)
Letra sa Tagalog ni Levi Celerio
Nagtataka ako sa iyo
bakit nagustuhan mo
na maging asawa ng iyong anak
ay matanda na at beho?
Kwalta na lang ba ang dahilan?
Ngunit iyan ang totoo
Ang ligaya sa pag-ibig ay
hindi sa salapi natatamo.
Pag-aasawa ng anak ko 'yan ang pipiliin ko
'Di na baling makasal sa damatan
kung sagana sa dinero.
Kung kabuhayan ay matatag lahat ay mahihingi
ang pangarap ng tao'y matutupad kung meron kang salapi.
At iyan ang nangyayari may nag-aasawa diyang mga maralita
nagkakalayo kung walang-wala.
Dahil diyan di ko ibig na mangyari sa aking anak
Meron ngang guwapong esposo ngunit pag nagalit ay
may sipa't tadyak!
Turuan mong maghanap ang iyong dalaga
nuong binatang mayroon pang kuwalta
Piliin nya yuong may matatag na isip
hindi mambubuntal kahit galit.
Bakit 'di pa siyang anak ang iyong piliin
at yung pang tatay na siyang ubanin?
Kung may pera ang ama ay ipamamana
kapag bunso niya'y nag-asawa na.
Ang kalooban mo'y maluwag maginhawang totoo
'di ka na mahihirapang mag-isip
dahilan sa sigurado.
Kung kabuhayan ay matatag lahat ay mahihingi
Ang pangarap ng tao'y matutupad kung meron kang salapi.
Ang kabuhayan ay matatag lahat ay mahihingi
Ang pangarap ng tao'y matutupad
kapag maraming salapi.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=39833.0