Author Topic: Plane Crush Kills 20 Philippine Boy Scouts  (Read 264 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33341
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Plane Crush Kills 20 Philippine Boy Scouts
« on: July 29, 2022, 08:58:15 PM »
By Project Vinta
Noong Hulyo 28, 1963, habang naghahanda sa paglapag ang United Arab Airlines Flight 869 sa Santa Cruz Airport sa Bombay (ngayon ay Mumbai), India, ay sumalubong sa eroplano ang isang daluyong at pagbuhos ng malakas na ulan na nagbunsod upang ito ay bumagsak sa Arabian Sea. Nasawi ang lahat ng 63 pasaherong lulan nito kabilang na ang 20 Boy Scouts at apat na scouting officials na patungo sana sa 11th 11th World Scout Jamboree sa Marathon, Greece.

Mula sa libo-libong Pilipinong scouts na naghangad mapasama sa nasabing Jamboree, pumili lamang ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng dalawampu't dalawa. Hulyo 27, 1963 nang lumipad sila patungong Greece subalit hindi na sila nakarating sa nasabing pagtitipon.

Ang dalawampung scouts na nasawi sa nasabing trahedya ay ang mga sumusunod: Ramón Valdes Albano, Gabriel Nicolás Borromeo, Henry Cabrera Chuatoco, José Antonio Chuidian Delgado, Pedro Hermano Gandia, Wilfredo Mendoza Santiago, at Ascario Ampil Tuason, Jr (Manila Council); Roberto Corpus Castor, Roméo Rafael Rallos, and Rogelio Celis Ybardolaza (Quezon City Council); Patricio Dulay Bayoran at Paulo Cabrera Madriñan (Pasay City Council). Ang iba pang mga scouts na nasawi ay sina Filamer Santos Reyes at Antonio Ríos Torillo ng (Cavite Council); Félix Palma Fuentebella, Jr (Camarines Sur Council); Víctor Oteyza de Guía, Jr. (Baguio Benguet Council); Antonio Mariano Limbaga (Zamboanga Council); Roberto del Prado Lozano (Dagupan Council); José Fermin G. Magbanua (Negros Oriental Council); at si Benecio Suárez Tobias (Tarlac Council). Kabilang din sa mga nasawi ang mga scouting officials na sina Dr. Bonifacio V. Lazcano, Dr. Florante L. Ojeda, Librado Fernández at Padre Jose María Martínez, SJ.

Sa pagpapatuloy ng 11th World Scout Jamboree ay inalala ang mga nasawing Pilipinong scouts. Ibinaba sa half-mast ang mga watawat sa labas ng Jamboree General Headquarters at sinadyang hindi okupahan ang camp site na dapat sana ay titigilan ng Philippine contingent. Bilang pagpapakita na hindi natinag ang loob ng mga Pilipinong scouts, ipinadala kagyat ng bansa ang dalawang naiwang boy scouts na dapat sana ay kasama ng mga nasawi sa pagbagsak ng eroplano: sina Guillermo Flores and Louis Santiago kasama ang kanilang scoutmaster na si Nicasio Fernandez, Jr.

Sa Pilipinas ay pinasinayaan ang Ala-Ala Cenotaph sa Manila North Cemetery bilang parangal sa kanila. Pinalitan din ang pangalan ng 24 na mga kalye sa Quezon City at ang nasabing lugar ay tinawag na Barangay Laging Handa, na siyang motto ng BSP. Itinayo rin sa intersection ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue ang 11th World Scout Jamboree Memorial. Noong 1988, idineklara ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Hulyo 28 ng bawat taon bilang Boy Scouts of the Philippines Memorial Day.

* * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122827.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: