Author Topic: Doña Teodora Alonzo Realonda  (Read 370 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33341
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Doña Teodora Alonzo Realonda
« on: August 21, 2022, 05:07:07 PM »
𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗜 𝗧𝗘𝗢𝗗𝗢𝗥𝗔 𝗔𝗟𝗢𝗡𝗭𝗢

Ngayong araw inaalala ang anibersaryo ng kamatayan ng ina at unang guro ni Jose Rizal, si Doña Teodora Alonzo Realonda.

Isinilang sa Santa Cruz, Manila noong November 8, 1826, si Doña Teodora ay anak nina Lorenzo Alberto Alonso at Brigida de Quintos. Ginamit ng pamilya Alonzo ay apelyidong ‘Realonda’ kasunod ng paglalabas ng Narciso decree noong 1849. Nag-aral si Doña Teodora sa Colegio de Santa Rosa sa Intramuros, Maynila.

Noong June 28, 1848 nang ikasal si Teodora kay Don Francisco Mercado Rizal, na tubong-Binan, Laguna. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng labing-isang anak: sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad. Nanirahan ang pamilya sa Calamba, Laguna. Nakapag-aral ang lahat ng mga anak ng mag-asawang Rizal, kung saan ay nakapagtapos pa si Jose Rizal sa Europa.

Sunud-sunod na dagok ang dumating sa pamilya Rizal, lalung-lalo na ang mga pagmamalupit sa kanila ng mga Espanyol. December 30, 1896, nasaksihan ng 68 na taong gulang na si Doña Teodora ang paghihirap ng anak na si Jose. Hinatulan ng parusang bitay si Jose sa Bagumbayan nang araw na iyon.

Ilang buwan makalipas barilin si Jose sa Bagumbayan, natagpuan ng pamilya Rizal ang labi ni Jose Rizal. Ilang pagkilala mula sa pamahalaan ang natanggap ng pamilya Mercado dahil sa kabayanihan ni Jose. Nasaksihan pa ni Doña Teodora ang pagtitindig ng monumento ng kanyang anak na si Jose sa Luneta. Pinagkalooban siya ng mga Amerikano ng pensyon bilang pagkilala sa kabayanihan ng kanyang anak ngunit kaniya itong tinanggihan. Ani ni Dona Teodora, kung maraming pera ang pamahalaan para itustos sa pensyon, bakit hindi na lamang nila pababain ang buwis.

August 16, 1911, pumanaw si Dona Teodora sa edad na 84 sa kanyang tahanan sa Binondo, Maynila. Bilang pagkilala, isang paaralan sa Quezon City at Maynila ang isinunod sa kanyang pangalan.

Project Vinta (August 16, 2021). In Memoriam: Teodora Alonzo (Retrieved from https://www.facebook.com/pvinta/photos/a.1962088134038450/3023659891214597/)

#NgayongArawSaKasaysayan

* * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122895.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: