Author Topic: Child of Andres Bonifacio  (Read 360 times)

mikeortegaligalig

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1022
    • View Profile
Child of Andres Bonifacio
« on: July 11, 2022, 07:09:53 AM »
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗜 𝗔𝗡𝗗𝗥𝗘𝗦 𝗕𝗢𝗡𝗜𝗙𝗔𝗖𝗜𝗢

Walang matatagpuan na dokumentadong patunay kung kasal nga ba o hindi si Andres Bonifacio noong siya'y na edad bente años. Ayon sa mga kasabayan ni Bonifacio, ang kanyang unang asawa ay isang magandang dilag na nagngangalang 'Monica', na nakatira sa isang bahay-kubo sa Palomar, isang baryo sa Tondo, Maynila. Sinasabing kasama noon ni Bonifacio ang kaibigang si Antonio Vasquez sa panliligaw kay Monica, dahil nililigawan naman ng huli ang kapatid ni Monica. Hindi tukoy kung ikinasal ba si Bonifacio at Monica. Sinasabing nagbunga ang pagsasama ng dalawa ng tatlong supling. Sa kasamaang-palad, pumanaw si Monica dahil sa leprosy. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng tatlong supling. Sa kasamaang palad, walang nakakaalam kung ano ang naging kapalaran ng tatlong anak ni Bonifacio, ayon kay Jose P. Santos na kinapanayam si Espiridionia, kapatid ni Andres Bonifacio, noong 1930s. May ilang talang nagsasabing pumanaw ang tatlong anak nina Bonifacio at Monica marahil sa kolera na isang epidemya noong 1888 hanggang 1889.

May ilang talang nagsasabi na muling umibig si Bonifacio sa isang nagngangalang 'Teang', na tinukoy ng iilan na si Dorotea Tayson. Namatay rin si Teang sa murang edad at muling nabiyudo si Bonifacio sa ikalawang pagkakataon. Pinabulaanan naman ni Guillermo Masangkay, isang Katipunero, ang kuwento ukol kay Teang. Nanindigan si Masangkay na tanging si Monica lamang ang naging asawa ni Bonifacio bago ito ikinasal kay de Jesus noong 1894.

Taong 1894 nang ikasal si Bonifacio kay Gregoria de Jesus, pinsan ng kaibigan at kapwa Katipunerong si Teodoro Plata. Sinasabing ikinasal ang dalawa noong March 1894 (March 1893 sa sariling memoir ni de Jesus na 'Mga tala ng aking buhay'). Dinaluhan ng ilang Katipunero ang kasal nina Bonifacio at de Jesus, maging ng mga kapatid ni Rizal na sina Josefa at Trinidad Rizal.
December 1895 nang isilang ang kaisa-isang anak ni Bonifacio at de Jesus. Bininyagan ito bilang 'Andres' noong December 24, 1895. Si Pio Valenzuela ang tumayong ninong kay Andres Jr. Sa kasamaang-palad, pumanaw si Andres Jr. noong June 1896 dahil sa smallpox.

Sanggunian:

Katipunan: Documents and Studies, Andres Bonifacio: Biographical notes (Retrieved from http://www.kasaysayan-kkk.info/)

#TriviaAndFactsPhilippinesBonifacioSerye

* * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122748.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: