By Drema Quitayen Bravo
PNP-SAF nagsimula nang tumanggap ng aplikante para sa regular at attrition quota para sa taong 2020
KIDAPAWAN CITY-Nagsimula nang tumanggap ng mga bagong aplikante ang unit ng PNP Special Action Force o SAF para sa taong 2020.
Sa kabuuan, abot sa 663 ang kinakailangan ng SAF sa parehong nationwide regular at attrition quota.
Base sa itinakdang qualifications sa ilalim ng RA 8551, nakasaad ang mga sumusunod na batayan bago maging miyembro ng kanilang hanay:
1. Filipino Citizen
2. A Person With Good Moral Character
3. Physically And Mentally Fit
4. Must Have Eligibility- tulad ng PNP Entrance o Napolcom Exam ;CS Passer, Bar and Board Passer; Board of Criminologist at College graduate with honors.
5. May taas na 5’4’’sa Lalake at 5’2’’ naman sa Babae.
6. 21-30 years old.
Ang mga karagdagang katanungan ay maari isangguni sa tanggapan ng 4th Special Action Battalion sa Cotabato Police Provincial Office o CPPO compound sa Brgy.Amas, Kidapawan City o ikontak ang kanilang hotline: 0938-503-9382/0998-578-5237.
Bago magsumite ng kinakailangang dokumento ay maaaring magpatulong sa SAF Mobile Recruitment Team sa nabanggit na opisina para makakuha ng online application sa pamamagitan ng Online Recruitment Application System (ORAS).
Samantala, abot naman mahigit P35, 000 ang matatangap na monthly salary kung sakaling maging miyembro na ng PNP-SAF.
Bago makapasok sa nasabing unit, dadaan muna ang mga aplikante sa isang matinding training na magtatagal ng halos isang taon bago sila tuluyang maging fully-blooded commando.
Ang mga sasalang naman sa naturang pagsasanay ay kinakailangang handang isakripisyo ang pansariling kapakanan at seguridad upang makapaglingkod sa bayan.
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92134.0