normal_post - OFW Remittance - Philippine Government Author Topic: OFW Remittance  (Read 384 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - OFW Remittance - Philippine Government
  • Posts: 23291
  • medal1 - OFW Remittance - Philippine Governmentmedal2 - OFW Remittance - Philippine Governmentmedal3 - OFW Remittance - Philippine Government
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - OFW Remittance - Philippine Government
OFW Remittance
« on: November 16, 2017, 02:15:17 PM »
THE HONORABLE HENRY C. ONG
2nd District of Leyte

Vice Chair, Committee on Banks & Financial Intermediaries

Member, Committees on Transportation, Visayas Development, Economic Affairs, and 8 other committees
MGA BANGKO HINIMOK PADALIIN PARA SA OVERSEAS PINOYS ANG PAGPAPADALA NG REMITTANCE

Hinimok ni Leyte 2nd District Congressman Henry Ong ang banking and remittance sector sa bansa na padaliin para sa mga Pilipinong nasa abroad na magpadala ng remittance papasok dito sa Pilipinas.

Ginawa ni Ong ang panawagan sa gitna ng ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bumaba nitong buwan ng Setyembre nang mahigit walang porsiyento ang cash remittance galing sa mga land-based overseas pinoy dulot ng desisyon ng ilang bangko sa abroad na magtuon sa kani-kanilang home market.

Saudi Arabia, na sinundan ng Kuwait, Qatar, at Australia ang mga bansa na nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa halaga ng remittance, ayon sa BSP.

Sa ulat ng BSP, pumalo lamang sa $2.2 billion ang cash remittances ng mga land-based overseas Filipinos nitong Setyembre kumpara sa $2.8 billion noong Agosto 2017.

Suhestiyon ni Ong sa banking and remittance sector, magbukas ng mga bagong service facilities, pahabain ang banking hours, paghusayin ang online services, at makipag-tie-up sa mga money transfer agency sa bansa para di maaapektuhan ang mga kaanak sa Pilpinas na naghihintay ng padala mula sa abroad dahil may hagupit din ito sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ang $360 million na ibinaba ng remittances kasi (katumbas ng P18 billion) ay malaking halagang hindi natanggap ng mga pamilya dito sa Pilipnas na maaari sanang nakatugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Nananawagan ako sa Land Bank of the Philippines, ang opisyal na depository bank ng gobyerno, na manguna sa inisyatibong padaliin ang pagpapadala ng remittance papasok sa Pilipinas at unahin ang mga overseas pinoy sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, and Australia,” wika ni Ong na Vice Chair ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries.

“Kailangang kumilos agad ang Landbank dahil inaaasahang dadagsa ang remittance pagpasok ng Pilipinas sa darating na Nobyembre hanggang Enero sa susunod na taon,” paalala ni Ong.

REFERENCES:
http://www.bsp.gov.ph/publications/media.asp?id=4534 
http://business.inquirer.net/235569/landbank-remittance-postbank-acquisition-2022-share-overseas-filipino-bank  https://www.landbank.com/iEasy-Padala

::Thanks for sharing this link::
Stay protected from viruses and hackers. Download Avast at https://goo.gl/S5Bzjd



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88123.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Get FREE 500GB cloud storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZV

balong

  • LUMINARY
  • ***
  • avatar_477_1349359388 - OFW Remittance - Philippine Government
  • Posts: 6220
  • medal1 - OFW Remittance - Philippine Government
    • Share Post
xx - OFW Remittance - Philippine Government
Re: OFW Remittance
« Reply #1 on: November 16, 2017, 06:08:03 PM »
delikado kong mag sigi ug ka gamay ang remittance sa mga OFWs. bagsak ang atong economy



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter
 

Latest Topics

Official Statement of Davao City Police Office by MIKELIGALIG.com
[Today at 08:57:58 AM]


Gidunggab sa Bayaw by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 07:27:59 AM]


Geneva Bible by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:45:57 AM]


Model Entrepreneur by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:43:28 AM]


Way Puangod nga Inahan by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:39:57 AM]


Most Wanted Kidnapper Nabbed in Davao by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 03:25:20 AM]


Port Projects in Bohol by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 03:13:39 AM]


Highlander Travel Bag on Kickstarter by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:08:03 PM]


Digital Marketing by Ryan Redding by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:06:07 PM]


Blockchain Technology on TV Show by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:04:23 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal