AFP-PNP Roles in Counterinsurgency operations
By Harold Cabunoc
Ano nga ba dapat ang ginagawa ng sundalo at pulis para magwawagi sa kampanya kontra sa mga kaaway ng estado?
Una, dapat alamin ang responsibilidad ng bawat isa ayon sa batas at sa mga koordinasyon ng dalawang ahensya. Ang internal security operations ay pangunahan ng AFP ngunit support role sila dito lalo na at meron silang combat capable na unit kagaya ng RPSB at SAF. Bilang lead agency sa ISO, ang may tunay na AOR sa misyon na ito ay ang AFP na nakakasakop sa lugar. Dahil dyan, dapat may koordinasyon kung gusto ng PNP na manghuli ng terorista o kriminal dahil masusuportahan namin sila at di sila ma-wipe out ng mga kaaway, o magka-misencounter kagaya ng nangyari sa kasaysayan. Kung kami namang mga sundalo ay may misyon, natutulungan kami ng PNP sa legal documentation at sa legal offensive kontra sa mga arestadong bandido o terorista. Shared credit sa accomplishments!
Pangalawa, dapat merong unity of effort ang security forces. Magtulungan sa pag attain ng unit objectives at i-align ito sa strategic end states ng gobyerno. Iniisip ng mga commanders na merong strategic implications ang tactical actions nang sa gayon ay di magdagdag problema ang kapalpakan sa tactical level. Kung ayusin ng AFP at PNP ang ugnayan at intindihin ang peculiarities ng mission at ng operating environment, hindi mauulit ang unnecessary casualties sa Mamasapano at sa Samar.
Paano magawa ang dalawang punto na nabanggit ko?
Wag maging makasarili. Show excellent leadership. Share resources. Consider the bigger picture. No shortcuts na violation ng human rights at laws of war o peace agreements. Mag collaborate. Maging team player, walang iwanan! Balance accomplishment of mission at welfare of men. Link tactical actions to strategic end states. Learn from history!
Nagawa namin yan nang ako ay Battalion Commander sa Central Mindanao. Kasama iyan sa dahilan kung bakit parati kaming wagi sa aking AOR. Happy ang aking partner agencies (PNPPO, SAF, CIDG, RPSB, PDEA at LGU) dahil nagagawa nila misyon nila na di nalalagasan ng tao, at di rin lalong nakakagulo sa nga baryo. Higit sa lahat, naging tanyag din silang nga opisyal na mahuhusay mamuno.
Utak pulbura lang di makakagawa nyan.
Get FREE 500GB online storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZVLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=90514.0