normal_post - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Support Author Topic: PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK  (Read 1235 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Support
  • Posts: 23291
  • medal1 - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Supportmedal2 - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Supportmedal3 - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Support
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK - OFW Update & Support
PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK
« on: October 10, 2017, 11:41:28 AM »
PINOY NURSES LAGPAK SA ENGLISH EXAM SA UK, CHED HINIMOK UMAKSYON

Hinimok ng isang mambabatas ang Commission on Higher Education (CHED) na aksyunan ang tila paghina ng kahusayan ng mga Pilipino nursing graduates sa wikang Ingles.

Nitong Setyembre, 52 sa 59 na Pilipinong nurses na ni-recruit sa Maynila para magtrabaho sa isang ospital sa United Kingdom ang lumagpak sa English language test kayat di sila makapag-uumpisa sa pangarap nilang trabaho.

Ikinalungkot ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy ang naunsiyaming pangarap ng mga Pinoy nurse at hinimok ang CHED na gumawa ng hakbang para tiyaking di na mauulit ang kahalintulad na pangyayari.

“Makikipagpulong ako sa mga dekano ng nursing schools at mga opisyal ng CHED para maisa-isa namin ang mga hakbang na pwedeng gawin pati na para matukoy kung may mga patakaran ba na dapat isulong sa Kongreso para matulungan ang ating mga nursing students at graduates para mapahusay ang kanilang kakayahan sa banyagang wika,” ani Herrera-Dy, Chair ng House Committee on Public Information.

Makikipagpulong din ang kongresista sa mga opisyal ng Department of Education para matugunan ang problema [sa English competencies] sa antas pa lang ng basic education.

Ayon sa tala, humigit-kumulang 80,000 estudyante ang nagtatapos ng kursong nursing kada taon habang humigit-kumulang 25,000 naman ang kumukuha ng nursing board exams kada taon.

Sa tala ng Professional Regulations Commission, “"3,882 out of 11,176 passed the Nurse Licensure Examination given by the Board of Nursing in the cities of Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tacloban, Tuguegarao and Zamboanga this June 2017."

Nakatakdang idaos ang nursing board exams sa darating na November 25 at 26.

Naiulat na kung pumasa sana ang mga nurses sa naturang exam, tatangap sila ng "£3,000 recruitment and retention bonus paid over 26 months, flexible working hours, and a relocation loan.” Ang nasabing halaga ay katumbas ng P204,000 (P68 = 1 British pound) https://goo.gl/65xn7V (WAKAS)

Use the Best Anti-Virus Protection. Pls follow the link: https://goo.gl/S5Bzjd



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87651.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Get FREE 500GB cloud storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZV



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Latest Topics

Official Statement of Davao City Police Office by MIKELIGALIG.com
[Today at 08:57:58 AM]


Gidunggab sa Bayaw by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 07:27:59 AM]


Geneva Bible by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:45:57 AM]


Model Entrepreneur by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:43:28 AM]


Way Puangod nga Inahan by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 05:39:57 AM]


Most Wanted Kidnapper Nabbed in Davao by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 03:25:20 AM]


Port Projects in Bohol by MIKELIGALIG.com
[July 21, 2019, 03:13:39 AM]


Highlander Travel Bag on Kickstarter by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:08:03 PM]


Digital Marketing by Ryan Redding by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:06:07 PM]


Blockchain Technology on TV Show by MIKELIGALIG.com
[July 20, 2019, 05:04:23 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal