Vinson F. Concepcion
Daan-daang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan at grupong pangrelihiyon ang nagtipon kahapon sa mini-forest ng Kapitolyo para sa isang sama-samang pananalangin para sa kinabukasan ng Bulacan.
Sa aktibidad na tinawag na “A Day of Prayer,†sinabi ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na panalangin ang sagot sa mga kalamidad at suliranin na kinaharap at haharapin pa ng Bulacan.
Aniya, dapat maglaan ng isang minuto ang mga Bulakeño bawat araw tuwing ika-12 ng tanghali upang manalangin sandali.
“Yung mga nangyayaring sakuna sa lalawigan, mga kriminalidad, ang sagot po dito ay ang ating mga dasal. Ang dasal ng isang matuwid na tao ay makapangyarihan at epektibo,†ani Alvarado.
“Kaya sa pamamagitan nitong isang minutong dasal araw-araw, unti-unti pero tuloy-tuloy, sisimulan natin sa maliit at ating palalawakin. Walang hindi magagawa ang taos-pusong pagdarasal,†dagdag niya.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=46820.0