Author Topic: Presyo ng bigas, tataas dahil sa trucking rules - solon  (Read 572 times)

taga tigbao

  • DIPLOMAT
  • GURU
  • *****
  • Posts: 7180
  • SALVE REGINA, MADRE DI MISERICORDIA.
    • View Profile
Presyo ng bigas, tataas dahil sa trucking rules - solon
« on: July 08, 2013, 12:44:58 PM »
Written by  Dennis Jamito Published in Latest News Monday, 08 July 2013 08:55

Pinaghahanda ng isang mambabatas ang publiko hinggil sa posibilidad ng panibagong pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan.

Isinisisi ni LPG Marketers' Association (LPG-MA) Rep. Arnel Ty ang nasabing banta ng price hike sa bagong patakaran sa pagbabyahe ng mga ito sa mga pangunahing lansangan.

Batay kasi sa polisiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga 22-wheeler trailer trucks na dati ay maaaring magdala ng hanggang 800 sako ng bigas ay papayagan na lang na bumyahe ng 530 sako.

Sinabi umano ng mga negosyante kay Ty na kung ipagpipilitan itong ipatupad, posibleng umabot ng hanggang P1.00 kada kilo ng bigas ang magiging pagtataas.

Kaugnay nito, nagtakda naman ng diyalogo si Agriculture Secretary Proceso Alcala sa freight industry leaders, pati na sa mga suppliers ng bigas sa darating na Hulyo 15, 2013 upang makuha ang kanilang panig ukol sa isyu.

- See more at: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/11253-presyo-ng-bigas-tataas-dahil-sa-trucking-rules-solon#sthash.tTdh698F.dpuf

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73776.0
SALVE REGINA, MADRE DI MISERICORDIA.
VITA, DOLCEZZA, SPERANZA NOSTRA,
SALVE! SALVE REGINA!

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: