Author Topic: Mas mahal ba ni Noynoy ang mga insek kay sa mga Filipino?  (Read 821 times)

kan-ogong

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 363
  • LIGO NATA
    • View Profile
Mas mahal ba ni Noynoy ang mga insek kay sa mga Filipino?
« on: September 10, 2010, 12:58:43 AM »
Sa isang privilege speech kamakailan, binakbakan ni Iloilo Rep. Augusto ‘Boboy’ Syjuco ang sobra-sobrang importansyang idini-demand ng Chinese at Hong Kong government mula sa Pilipinas at sa sambayanang Filipino kaugnay ng pagkakapaslang ng walo nilang kababayan na nasa isang tour sa Maynila noong Agosto 23.


“Lahat ng paumanhin ay ginawa na nating lahat sa Hong Kong at China. Even President Noynoy Aquino apologized to the families of P/Capt. Mendoza’s victims. Lahat ng assistance ay binigay na natin sa kanila pati magandang embalm at mamahaling kabaong na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa. Bakit kulang pa ba sa halaga? Mas mahalaga ba ang buhay ng iba kesa Pinoy?” diin ni Syjuco.


Ang tinutukoy nito ay ang mapait na karanasan ng isang pamilyang Pinoy na nag-tour din sa Tiananmen Square sa Beijing, China. Kasama umano ni Filipino executive Emmanuel ‘Bong’ Madrigal ang kanyang asawa’t mga anak upang magbakasyon nang atakehin sila ng isang Chinese national na armado ng karit.


Pababa umano ang mag-anak sa isang sinakyang bus nang bigla na lamang silang salubungin ng suspek.


Una nitong inatake si Bong na agad nasawi. Agad na isinunod ang asawang si Vivian na lubhang nasugatan. Pa­ngatlong dinaluhong ng karit ang anak ng mag-asawa na si Regina Mia na nasawi rin sa madugong atake.


“Five years after that tragedy, there is no public record of any Chinese official acknowledging the tourist killing in Tia­nanmen Square and apologizing to the Madrigals or Filipino people for senseless murders of Bong and Regina Mia,” pagbubunyag ng kongresista.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31924.0
SOLONG MGA INSUREKTUS

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: