Tuesday, July 10, 2007
Isang mag-inang PiliÂpina ang inabanÂdona umano ng recruiter at pinabayaang walang kapera-pera at trabaho sa China.
Sinasabi sa report na tinanggap ng Philippine Overseas Employment Administration at iniulat kahapon ng GMA News na nagbaÂyad ang mga biktimang sina Ma. CrisÂtina Miel at anak nitong si MiÂchelle ng tig-P130,000 placement fee para makaÂpagtrabaho biÂlang titser o factory worker sa Guangzhou sa natuÂrang bansa.
Sinabi pa sa ulat na naÂkakuha naman ng panÂsamantalang trabaÂho ang mag-ina bilang mga guro pero tinanggal din sila kiÂnalaunan dahil hindi makaÂkuha ng work visa para sa kanila ang eskuÂwelahang kumupÂkop sa kanila.
Sa kasalukuyan ay istranded ang mag-ina sa Philippine consulate sa naturang lalawigan ng Tsina habang nagÂhihintay na ipatapon sila pabalik sa Pilipinas.
Sinasabi ng mag-ina na ni-“recruit†sila ng Arzel Management Services Inc., isang ahenÂsyang liÂsensyado naÂman ng POEA pero waÂlang job order mula sa China.
Nabatid na pumirma ng employment contract ang mag-ina ma tapos silang sabihan ng umaÂno’y mga emÂpleÂyado ng ahensya na sina RodolÂfo Arceo at Joven SerÂdeniola na natanggap silang magÂturo sa isang eskuwelaÂhang Intsik sa loob ng dalawang taon.
Kaugnay nito, nilinaw ng POEA na, bagaman nangangailangan ng mga English teacher ang China, hindi naman lahat ng eskuwelahan doon ay pinapayagan ng pamahaÂlaang Intsik na kumuha ng dayuÂhang empleyado.
Inireklamo ng mga biktima na iniwanan sila ng kanilang mga agents sa China mataÂpos kunin ang kanilang mga passport at konÂting perang gaÂgamitin sana sa pagÂpaÂpaÂproÂseso ng kaniÂlang work visa.
Nabatid sa POEA na marami pang PiliÂpino ang nagkaproÂblema sa China dahil sa iligal na pagtaÂtraÂbaho o overstaying doon.
source: Pilipino Star Ngayon
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=2599.0