normal_post - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News Author Topic: Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina  (Read 1109 times)

lumine

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_24_1334927983 - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News
  • Posts: 3781
    • Share Post
xx - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News
Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina
« on: July 11, 2007, 12:24:30 AM »


Tuesday, July 10, 2007

Isang mag-inang Pili­pina ang inaban­dona umano ng recruiter at pinabayaang walang kapera-pera at trabaho sa China. 

Sinasabi sa report na tinanggap ng Philippine Overseas Employment Administration at iniulat kahapon ng GMA News na nagba­yad ang mga biktimang sina Ma. Cris­tina Miel at anak nitong si Mi­chelle ng tig-P130,000 placement fee para maka­pagtrabaho bi­lang titser o factory worker sa Guangzhou sa natu­rang bansa.

Sinabi pa sa ulat na na­kakuha naman ng pan­samantalang traba­ho ang mag-ina bilang mga guro pero tinanggal din sila ki­nalaunan dahil hindi maka­kuha ng work visa para sa kanila ang esku­welahang kumup­kop sa kanila.

Sa kasalukuyan ay istranded ang mag-ina sa Philippine consulate sa naturang lalawigan ng Tsina habang nag­hihintay na ipatapon sila pabalik sa Pilipinas.

Sinasabi ng mag-ina na ni-“recruit” sila ng  Arzel Management Services Inc., isang ahen­syang li­sensyado na­man ng POEA pero wa­lang job order mula sa China.

Nabatid na pumirma ng employment contract ang mag-ina ma­ tapos silang sabihan ng uma­no’y mga em­ple­yado ng ahensya na sina Rodol­fo Arceo at Joven Ser­deniola na natanggap silang mag­turo sa isang eskuwela­hang Intsik sa loob ng dalawang taon.

Kaugnay nito, nilinaw ng POEA na, bagaman nangangailangan ng mga English teacher ang China,  hindi naman lahat ng eskuwelahan doon ay pinapayagan ng pamaha­laang Intsik na kumuha ng dayu­hang empleyado.

Inireklamo ng mga biktima na iniwanan sila ng kanilang mga agents sa China mata­pos kunin ang kanilang mga passport at kon­ting perang ga­gamitin sana sa pag­pa­pa­pro­seso ng kani­lang work visa.

Nabatid sa POEA na marami pang Pili­pino ang nagkapro­blema sa China dahil sa iligal na pagta­tra­baho o overstaying doon.


source: Pilipino Star Ngayon



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=2599.0

Happy

  • GURU
  • ****
  • avatar_57 - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News
  • Posts: 9572
  • medal1 - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News
  • Ang "Bugon" ni ate Bambi
    • Share Post
xx - Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina - Philippine Daily News
Re: Mag-inang Pinay abandonado sa Tsina
« Reply #1 on: July 11, 2007, 05:21:06 AM »
Oh my God, unsa naman nahitabo ani nila ron? unsa man ang gihimo sa consulate didto? wala sab diay sila hatagi plete para uli? grabe no, pilipino ra jud pud ang moilad lagi sa pilipino
"There's no perfect life, but we can let God fill it with perfect moments"



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
Is she a Pinay?

Started by Ligalig-Mike on Philippine Daily News

2 Replies
518 Views
Last post February 25, 2008, 03:14:35 PM
by Lorenzo
 

Latest Topics

Poem by Charlie Chaplin by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 01:33:06 AM]


Livelihood Expo by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 01:01:18 AM]


Kahilom by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 12:43:13 AM]


Handurawan by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 12:40:41 AM]


Paghandom by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 12:35:39 AM]


Spider Cat by balong
[August 19, 2019, 10:04:22 PM]


become a kung fu master by balong
[August 19, 2019, 09:55:48 PM]


The Bond Movies by balong
[August 19, 2019, 09:41:03 PM]


if i was RICH by balong
[August 19, 2019, 09:12:17 PM]


bitamin sa mata by balong
[August 18, 2019, 10:15:41 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal