Sa katapusan ng buwan malalaman kung magkano ang itataas ng pasahe sa jeep. Ito ang ipinangako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pulong kasama ang iba't ibang transport group.
Mula sa kasalukuyang P7, humihirit ng pisong dagdag ang mga operator. Posible namang 50 sentimos lang ang aprubahang "provisional increase."
“We will deliberate on whether the increase is 50 centavos or P1 for the first 4 kilometers,†sabi ni Atty. Nelson Laluces, chairman ng LTFRB.
Natuwa naman ang mga transport group dito.
“Dapat piso na ang aming pamasahe at dito ay wala pa kaming nilabag sapagkat ang talagang pasahe ng jeep ay P8.50, 'yung duly approved ng LTFRB,†sabi ni Roberto Martin, presidente ng Pasang Masda.
“Hindi na talaga sasapat 'yung kasalukuyang pasahe na P7 vis-a-vis sa P24 per liter na diesel. Kailangan talaga magkaroon ng adjustment,†ani George San Mateo, secretary general ng Piston.
“Gawin na natin ang desisyon na kapag nagtaas ng presyo ang krudo, magtaas kami ng pamasahe. Kapag bumaba ang presyo ng krudo, ibababa namin ang presyo ng pamasahe,†sabi ni Zenaida Maranan, presidente ng Fejodap.
Dahil halos sabay-sabay na umaakyat ang presyo ng ilang bilihin at serbisyo, sobra na ang 'aray' ng mga pasahero.
“Kahit piso, kahit papaano dagdag sa budget namin,†anang isang pasahero.
“Delikado na po sa amin ang pagtataas na 'yun. Lahat po tataas, pati pagkain,†sabi naman ng isa pang pasahero. - ABS-CBN
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=36618.0