Microsoft
pCloud Premium

IED Factory Discovered in Ampatuan, Maguindanao

  • 0 replies
  • 194 views
*

caretaker

  • *****
  • 27885
  • click buttons for social media share
IED Factory Discovered in Ampatuan, Maguindanao
« on: September 26, 2020, 04:46:46 PM »
IED factory, nadiskubre ng tropa ng pamahalaan sa  probinsiya ng Maguindanao

Isang pagawaan ng Improvised Explosive Device (IED) ang nadiskubre ng tropa ng 1st Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army, araw ng Biyernes, sa Sitio Talpok, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Narekober mula sa nasabing pagawaan ang tig- isang round  na 105mm at 60mm unexploded ordnance,  sangkap ng paggawa ng IED gaya ng fuses, switches, blasting caps, shrapnel, at propaganda materials.
Sa ulat ng 6th ID, nagsasagawa ng clearing operation ang kasundaluhan nang matagpuan ang naturang IED factory sa lugar.
Agad na nakipagkoordinasyon ang mga ito sa  Explosive Ordinance Disposal (EOD) team para sa maayos na disposisyon ng mga bomba.
Sa pahayag ni JTFC at 6th ID Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, ang tagumpay na pagkakatagpo ng pagawaan ay dahil sa mga sibilyan na patuloy na sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo.
Samantala, umapela naman si  Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., WestMinCom Commander, sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa mga kinauukulan ang mga  kahina-hinalang bagay at tao sa paligid.
Dagdag pa nito,  magtulungan ang lahat at hawak kamay  na supilin ang anumang uri ng karahasan na inihahasik ng mga terorista sa mga komunidad.


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.

Latest RSS Feeds



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116005.msg687403#msg687403
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

>> Shop online and ship anywhere on cheapest products at www.alibaba.com.

Get Fastest VPN in 2020. Use Ivacy VPN at www.ivacy.com

 

pCloud Premium