IED factory, nadiskubre ng tropa ng pamahalaan sa probinsiya ng Maguindanao
Isang pagawaan ng Improvised Explosive Device (IED) ang nadiskubre ng tropa ng 1st Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army, araw ng Biyernes, sa Sitio Talpok, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Narekober mula sa nasabing pagawaan ang tig- isang round na 105mm at 60mm unexploded ordnance, sangkap ng paggawa ng IED gaya ng fuses, switches, blasting caps, shrapnel, at propaganda materials.
Sa ulat ng 6th ID, nagsasagawa ng clearing operation ang kasundaluhan nang matagpuan ang naturang IED factory sa lugar.
Agad na nakipagkoordinasyon ang mga ito sa Explosive Ordinance Disposal (EOD) team para sa maayos na disposisyon ng mga bomba.
Sa pahayag ni JTFC at 6th ID Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, ang tagumpay na pagkakatagpo ng pagawaan ay dahil sa mga sibilyan na patuloy na sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo.
Samantala, umapela naman si Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., WestMinCom Commander, sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa mga kinauukulan ang mga kahina-hinalang bagay at tao sa paligid.
Dagdag pa nito, magtulungan ang lahat at hawak kamay na supilin ang anumang uri ng karahasan na inihahasik ng mga terorista sa mga komunidad.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116005.0