LIBRENG SAKAY NGAYONG ARAW SA EDSA CAROUSEL, MAS PINAHABA ANG ORAS NG SERBISYO SA MGA MANANAKAY
Mas pahahabain ang oras ng serbisyo ng Libreng Sakay sa EDSA Busway Carousel, ngayong araw, ika-13 ng Abril 2022, dahil sa pagdagsa ng tao sa mga istasyon sanhi ng maagang pagsuspende ng MRT Station ng kanilang operasyon para sa kanilang taunang maintenance.
Ang serbisyo ng Libreng Sakay sa EDSA Busway Carousel sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 ay nagsisimula tuwing alas kwatro (4:00) ng umaga at nagtatapos ng alas onse (11:00) ng gabi, ngunit dahil sa hindi inaasahang dagsa ng tao ngayong araw ay pahahabain ang oras ng serbisyo nito.
Upang maibsan ang paghihirap na dinaranas ngayon ng mga mananakay, nagpadagdag na ng mga units na tumatakbo sa EDSA Carousel mula sa 2 Consortia, ang MMCC at ES Transport.
Samantala, nagsagawa na rin ng mini loop sa bandang ortigas station para sa mabilis na pagsakay ng mga mananakay. Dagdag pa rito ay nagpadala na rin ng mga skip buses at rescue buses sa mga stations na may mahabang pila na mga pasahero.
Lubos na humihingi ng paumanhin ang buong pamunuan ng LTFRB sa kasalukuyang sitwasyon. Nakatutok ang aming ahensya, katuwang ang Department of Transportation (DOTr), upang nakapagbigay ng agarang solusyon upang mapanatili ang pagserbisyo sa mga pasahero.
#LTFRB #DOTr #LibrengSakay
#KAISAKAY #ServiceContractingProgram
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122116.0