Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Free College Education - Philippine Daily News

normal_post - Free College Education - Philippine Daily News Author Topic: Free College Education  (Read 186 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Free College Education - Philippine Daily News
  • Posts: 23045
  • medal1 - Free College Education - Philippine Daily Newsmedal2 - Free College Education - Philippine Daily Newsmedal3 - Free College Education - Philippine Daily News
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Free College Education - Philippine Daily News
Free College Education
« on: February 14, 2018, 07:23:31 AM »
REP. SALVADOR B. BELARO, JR.
1-Ang Edukasyon Party-list
Assistant Majority Leader

FREE COLLEGE EDUCATION LAW, WALA PA RING IRR HANGGANG NGAYON

UniFAST Board, dapat managot – Rep. Belaro

Anim na buwan matapos maisabatas ng Republic Act 10931, ang batas na nagtatadhana ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga State Colleges and Universities at Technical and Vocational Institutions, isiniwalat ni 1-Ang Edukasyon Representative Salvador Belaro, Jr. na wala pa rin umano itong implementing rules and regulations (IRR) hanggang ngayon.

Ipinag-uutos ng RA 10931 na ang IRR ay dapat makatha at malagdaan sa loob lamang ng animnapung (60) araw mula sa petsa ng pagiging epektibo ng batas.

Noong nakaraang Disyembre, sinabi na ng noo’y CHED Chair Patricia Licuanan sa isang education summit na tapos na raw nilang balangkasin ang IRR at ang kulang na lamang ay ang mga pirma ng UniFAST Board.

“Ngayon ay Pebrero 2018 na, si Dr. Licuanan ay nag-resign na, at ang CHED ay may OIC na sa katauhan ni CHED Commissioner Prospero de Vera, ngunit hanggang ngayon ay wala pa tayong IRR para sa RA 10931,” pagkadismaya ni Belaro.

Dagdag pa ng mambabatas, “Binigyan ng batas ang UniFAST Board ng 60 araw para matapos ang IRR. Labis na kapabayaan sa tungkulin ang maaaring maging tingin ng Kongreso sa kawalan ng aksyon na ito ng UniFAST Board.”

Ang UniFAST Board ay hindi lamang ang CHED Chairman. Pitong ahensya ang kinakatawan sa Lupon, kabilang ang mga pinuno ng CHED, Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Education (DepEd).

“ilang buwan lang ay papasok na ang school year 2018-2019. Dapat maipabatid ang IRR sa lahat ng SUCs at TVIs. Ang cascading ay aabot rin ng ilang buwan kaya dapat ay magkaroon na ng IRR sa lalong madaling panahon para di kapusin sa oras,” ani Belaro.

Hamon ni Belaro sa UniFAST Board na pinamunuan ngayon nI CHED OIC Prospero de Vera: “Kailan magkakaroon ng IRR? Magpapatuloy ba kayo sa pagkaantala o gagawin ninyo ang inyong trabaho?” (WAKAS)

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89209.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Free College Education - Philippine Daily News

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
IRR OF FREE COLLEGE EDUCATION IN SUCs

Started by MIKELIGALIG.com on Philippine Daily News

0 Replies
177 Views
Last post March 15, 2018, 05:52:23 PM
by MIKELIGALIG.com
 

Booking.com
SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal