Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News

normal_post - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News Author Topic: Filipino OFW Remittances from Kuwait  (Read 182 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News
  • Posts: 22734
  • medal1 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily Newsmedal2 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily Newsmedal3 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News
Filipino OFW Remittances from Kuwait
« on: February 16, 2018, 06:16:50 PM »
OFFICIAL STATEMENT
Philippine Association of Agencies to Kuwait (PHILAAK)
Contact Person/Reference: Chester Lobramonte - 0917 729 2437

PINOY REMITTANCES MULA KUWAIT, HIGIT $50M ANG IBINABA NOONG 2017 DULOT NG PAGHINA NG EKONOMIYA NG KUWAIT
Remittances inaasahang bababa pa sanhi ng deployment ban - PHILAAK

Higit limampung milyong dolyar ($50.23 million) ang ibinaba ng kabuuang ng overseas Filipino remittances mula sa Kuwait sa buong taon ng 2017 kumpara sa 2016, ayon mismo sa mga pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas. (http://www.bsp.gov.ph/statistics/excel/ofw.xls )

Sa palitang $1 = P50, lumalabas na dalawa’t kalahating bilyong piso (P2.5 billion) ang katumbas niyang $50 million; habang P40.32 billion naman na remittances mula Kuwait para sa buong taon ng 2017 ang katumbas ng $806.48 million.

Gayunman, para lamang sa buwan ng Disyembre 2017, nagawa pa rin ng mga OFW sa Kuwait na makapagpadala ng $71.249 million ng kanilang kinita roon bilang pamasko sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.

Noong Mayo 2017, $84.46 million ang remittances mula Kuwait. Sa buwanang basehan, iyan ang pinakamataas kumpara sa lahat ng buwan ng taon. Pinakamababa naman ang padala noong September 2017 na $43 million lamang ang naging padala.

Sa tingin ng Philippine Association of Agencies to Kuwait (PHILAAK), ang 5.9 percent o $50.23 million dollars na ibinaba ng halaga ng mga padala mula Kuwait ay epekto paghina ng ekonomiya ng Kuwait dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa world market mula sa kataasan nitong $100 dollars per barrel noong 2015. (http://www.arabnews.com/node/1238756/business-economy)

Kung mayroon man, masasabi naming kaunti lang ang naging epekto ng naging gusot sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas dahil sa pagkamatay ng pitong Pilipino doon. Enero 2018 na kasi nang ipatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ng mga bagong OFW papuntang Kuwait.

Dahil sa pagbagsak sa presyo ng langis mula 2015, humina ang kakayahan ng gobyerno roon na pondohan at gastusan ang mga programa ng kanilang pamahalaan. Humina rin ang gross domestic product ng Kuwait at kasabay niyan ang kita ng kanilang mga mamamayan at negosyo.  (http://www.arabnews.com/node/1235421/business-economy)

Ngunit ayon sa mga ekonomista, makakabawi ang ekonomiya ng Kuwait ngayong 2018.

Pero pinangangambahan ng PHILAAK na kung magtatagal pa ang ban ng bagong deployment at kung marami pang OFWs mula Kuwait ang uuwi sa Pilipinas ngayong 2018, maaaring mas lalaki pa sa $50 million ang ibababa ng OFW remittances mula Kuwait.

Malaking bagay iyan sa mga naghihirap na pamilyang Pilipino at ekonomiya ng bansa. Masakit iyan para sa mga pamilyang umaasa lamang sa mga padala ng OFWs sa Kuwait.

Kaya naman, hangad naming maresolba agad ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait ang kasalukuyang suliranin. Umaasa ang PHILAAK na magbubunga nang mabuti at sa lalong madaling panahon, ang mga solusyon nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Labor Secretary Silvestre Bello III, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at Special Envoy Eduardo Manalo.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89239.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Filipino OFW Remittances from Kuwait - Philippine Daily News

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

No Duterte fist pump for diplomat Delia Albert by islander
[Today at 02:13:17 PM]


The Philippines' scourge of killers on motorbikes by islander
[Today at 01:40:07 PM]


FIFA 2018 WORLD CUP RUSSIA by islander
[Today at 05:17:54 AM]


What It Means to Be Loved by a Dog by islander
[Today at 02:39:27 AM]


Peek-a-boo! by hubag bohol
[Yesterday at 03:50:24 PM]


Bad Parenting Redux by hubag bohol
[Yesterday at 03:42:46 PM]


A few smart tips how to save water by hubag bohol
[Yesterday at 03:28:21 PM]


Puto! by hubag bohol
[Yesterday at 03:20:06 PM]


Salt lick by hubag bohol
[Yesterday at 03:05:32 PM]


Supercute animals, part 2 by islander
[Yesterday at 02:38:04 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal