Author Topic: Boses ‘chipmunks’ sa senado  (Read 654 times)

BolBuhol

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2793
  • A-Z alpabit
    • View Profile
Boses ‘chipmunks’ sa senado
« on: November 11, 2010, 12:46:28 AM »
Narinig niyo na bang magsalita ng ngongo ang mga miyembro ng Upper House?
Madalas itong mangyari sa Senado, lalo na kung may diperensiya ang mga aparato sa nasabing kapulungan.

Wala namang sipon ang mga senador o kaya ay may putok, este putok ng ubo, subalit nangongongo silang lahat kapag pumalya ang audio ng monitor ng Senado.

Itong isang matandang senador, nagiging bata ang boses, palibhasa’y mahilig sa mga batang babae, kapag nagsasalita na sa isang public hearing ng Senado.

Natawa nga itong si Mang Teban nang marinig ang kanyang boses sa monitor na buyoy, este parang bulol ang boses, aba’y walang pinagkaiba kay Bitoy kapag gumaganap itong batang bulol.

Sa aktuwal na pananalita, malinis naman ang pagkakabigkas ng senador na ito subalit pagdating sa monitor ng Senado, aba’y naging Batibot na ang boses nito dahil sa depekto ng audio, sayang naman ang naglalakihang suweldo ng mga taong nakatoka para sa trabahong ito.

Pintahan niyo na: Ang matandang senador na na­ging “chipmunks” ang boses dahil sa depektibong audio ng Senado ay galing sa lalawigan na malimit dalawin ng bagyo. May letrang A sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Alamat na siya sa Senado.

sors: abante


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=34267.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: