Ginilitan muna sa leeg saka pinagsasaksak ang isang bakla na isa ring tauhan ng konsehala ng hindi pa nakikilalang nobyo ng biktima sa Valenzuela City kamakalawa.
Hindi na umabot sa Valenzuela General Hospital si Domingo Dimas, 36, staff ni Valenzuela councilor Lorie Natividad ng Villa Martha Subd., Parada ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong gilit sa leeg at mga saksak sa katawan.
Sa salaysay sa pulisya ng pamangkin ng biktima na si Jerico James Dimas, alas-4:45 ng umaga, naÂgising siya nang makarinig ng mga kaguluhan at nang akyatin ay nakita nitong aktong papalabas ng kuwarto ang kanyang tiyuhin suÂbalit hinablot umano ito ng suspek pabalik sa kuwarto bago ikinandado.
Mabilis namang humingi ng tulong si Dimas subalit bago pa dumating ang mga pulis ay nakatakas na ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa terrace.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang sa biktima.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=59388.0