Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News

normal_post - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News Author Topic: Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018  (Read 102 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News
  • Posts: 22695
  • medal1 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily Newsmedal2 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily Newsmedal3 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News
Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018
« on: March 19, 2018, 09:26:25 PM »
Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018

Hinirang na Makata ng Taon 2018 si Christian Jil R. Benitez, isang instruktor sa Ateneo  de Manila University para sa kaniyang tulang “Sapagkat Pag-ibig ang Tuod sa Pinakamahabang Bugtong sa Kasaysayan.”

 “Nagsusulat ako ng mga tula na may malayang taludturan ngunit naging hámon sa akin ang magsulat ng tula na may tugma at sukat. Nakatulong sa akin ang lektura ng dati kong propesor sa Ateneo na si Dr. Edgar Samar hinggil sa pagsulat ng tula na may antas tudlikan ang tugmaan.” banggit ni Christian.

Bukod sa paghirang na Makata ng Taon 2018, tatanggap si Benitez ng PHP30,000.00 at tropeo mula sa KWF. Tatanggap naman sina Aldrin P. Pentero ng PHP20,000.00 para sa Ikalawang Gantimpala at Paul Alcoseba Castillo ng PHP15,000.00 para sa Ikatlong Gantimpala.

Ang pagkilala kay Benitez ay gaganapin sa Araw ni Balagtas sa 2 Abril 2018 sa Orion Elementary School, Bataan. Ang Araw ni Balagtas ang hudyat din ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas.

Si Benitez ay nagtapos ng programang AB-MA Literature (Filipino) sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kasalukuyang siyang nagtuturo ng Filipino, Panitikan ng Filipinas, at Kritisismong Pampanitikan

Kinilala na rin ang kaniyang mga tula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Maningning Miclat Poetry Awards, at Loyola School Awards for the Arts.

Ang mga hurado ng timpalak ay sina Michael M. Coroza, Louie Jon Agustin Sanchez, at Enrique S. Villasis. Si Michael M. Coroza ay isang makata, Carlos Palanca awardee, at kasalukuyang Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Tatlong beses naman na itinanghal na Makata ng Taon si Louie Jon A. Sanchez. Si Enrique S. Villasis ay limang  beses nang nagwagi sa Don Carlos (2011, 2012, 2013) at scriptwriter sa telebisyon.

Kabilang sa mga naunang kinilalang Makata ng Taon mula pa noong 1963 ay ang mga ginagalang, premyado, at haligi na ng panitikang Filipino ay sina Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, Bienvenido Lumbera, at Cirilo Bautista. Kinilala na rin biláng Makata ng Taon sina Ruth Elynia Mabanglo, Rogelio Mangahas, Lamberto Antonio, at Mike Bigornia.

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89388.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 - Philippine Daily News

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

New Clark City Phil. city of the future by balong
[Today at 05:44:15 AM]


bitamin sa mata by balong
[Yesterday at 09:08:33 PM]


Microplastic pollution is all around us by islander
[April 22, 2018, 04:26:14 PM]


Quotable Warnings by islander
[April 22, 2018, 09:04:03 AM]


The Duterte method by islander
[April 22, 2018, 08:50:49 AM]


CAR REGISTRATION TRANSACTIONS INVOLVING ‘BRAND NEW’ VEHICLE by MIKELIGALIG.com
[April 22, 2018, 04:35:49 AM]


Aumentado to Visit Israel by MIKELIGALIG.com
[April 22, 2018, 12:49:39 AM]


Fool’s Gold by MIKELIGALIG.com
[April 21, 2018, 11:30:49 PM]


Bong Go and Freddie Aguilar in Senate Bets by MIKELIGALIG.com
[April 21, 2018, 05:36:53 PM]


Will Manila protest military planes? by islander
[April 20, 2018, 11:28:11 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal