Author Topic: Aegis Juris Frat Members Must Be Sued - Solon  (Read 825 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33320
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Aegis Juris Frat Members Must Be Sued - Solon
« on: September 20, 2017, 04:05:51 AM »
AEGIS JURIS ALUMNI, DAPAT KUSANG ISUKO ANG MGA BROD – SOLON

Nanawagan si Assistant Majority Leader at Kabayan Party-list Congressman Ron Salo sa mga nakatatandang alumni ng Aegis Juris Law Fraternity na dapat makumbinsi nila ang kasalukuyang pamunuan ng frat na lumutang na para magbigay linaw sa kaso ng pagkamatay ng kanilang aplikante.

Sabi ni Salo, “maaaring mga alumni mismo ng Aegis Juris ang magsuko sa kanilang mga brod sa autoridad para matulungan ang mga imbestigador at para na rin maproteksyunan ang karapatan ng mga suspek sa due process.”

Ikinokondena ni Salo ang pagkamatay ng 22-anyos na UST law student na si Horacio “Atio” Castillo, III dahil sa hinihinalang hazing na bahagi umano ng initiation rites ng Aegis Juris, ang frat na inaaplayan ni Castillo.

Pabor si Salo, na isa ring law professor sa De La Salle University, sa pagpasok ng National Bureau of Investigation sa kaso. Nanawagan si Salo na dapat bilisan ang imbestigasyon at dapat makapaglabas na sila ng findings sa lalong madaling panahon para matukoy na ang listahan ng mga suspek. Suhestiyon din ni Salo na dapat maglabas ang Department of Justice ng hold departure orders kapag may kaso na laban sa mga suspek para di sila maka-iwas sa paglilitis.

Ikinabahala din si Salo na mga estudyante ang itinuturong suspek sa krimen. “Bilang propesor ng batas, dismayado ako sa muling pagsulpot ng mga ganitong karahasan na sangkot ang mga estudyante. Mga law student pa naman ang sinasabing gumawa nito kay Horacio, mga future lawyers, na dapat sana’y sila ang pinaka-gumagalang sa batas.”

“Bilang Assistant Majority Leader, gagawa ako ng paraan sa mayorya para mapabilis ang aksyon sa apat (4) na panukalang batas hinggil sa anti-hazing na nakasalang ngayon sa House Committees on Higher and Technical Education, Revision of Laws, at Justice,” sabi ni Salo.

“Partikular kong kinikilingan ang agarang pagpasa ng Revised Anti-Hazing Law (House Bill 3467) na naglalalayong gawing ilegal ang lahat at anumang uri ng hazing na nagdudulot ng pisikal at sikolohikal na torture sa biktima,” sabi ni Salo, na kasapi rin ng Justice Committee.

Your device is compatible with our app. Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87391.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: