Isang bisitang alkalde mula sa Bohol ang nasangkot sa accidental firing sa bisinidad ng Senado, ilang oras bago magbukas ang ses yon kahapon ng hapon.
Sa report ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA), isang nagpakilalang San Isidro (Bohol) Mayor Apolinar ang aksidenteng naiputok ang ca liber .45 na service firearm habang idinedeposito ito sa kanilang pangangasiwa.
Walang kumpletong pangalan na ibinigay ang alkalde maliban sa San Isidro Mayor Apolinar ng Bohol province, pero tumugma sa rekord ng Department of Interior and Local Government ang pangalang San Isidro Ma yor Apolinar Gumanid.
Nangyari ang insidente ganap na alas-3:38 ng hapon sa lobby ng Senado, malapit sa pintuan patungong elevator.
Wala namang ibinigay na detalye ang mga tauhan ng OSAA kung anong pa kay ni Mayor Gumanid sa Senado at kung sinong senador ang kausap nito.
Masuwerteng walang tinamaan dahil nakatutok ang baril sa isang box na puno ng buhangin.
source:
http://www.abante-tonite.com/issue/aug1109/crime_news4.htmLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=22241.0