Author Topic: Police with HIV or AIDS  (Read 506 times)

pioneer

  • To God be the glory alone
  • FOUNDER
  • GURU
  • *****
  • Posts: 18911
  • stay at home
    • View Profile
    • spiritual preparation
Police with HIV or AIDS
« on: May 15, 2012, 05:26:18 PM »
by PIA

Tiniyak ni Philippine National Police chief Nicanor A. Bartolome na walang magaganap na diskriminasyon sa kanilang mga kabaro na biktima ng HIV, AIDS at STI.

Ayon kay Bartolome, layunin ng PNP-Health Service na itaas ang kamalayan ng mga pulis sa patuloy na pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), Acquired Immune deficiency Syndrome (AIDS), Sexually Transmitted Infections (STI), at gayundin upang makaiwas sa naturang sakit.

Mamimigay ang PNP ng mga booklets, leaflets, flyers, manuals upang masiguro na maipapakalat ang mga tamang impormasyon. Ang mga tauhan naman ng PNP-Health Service ay sasailalim naman sa HIV/AIDS training maging sa counselling.

Itinatag din ng PNP ang Prevention and Control Program upang masiguro ang karapatang pantao ng mga pulis na tinamaan ng HIV, AIDS at STI. Layunin din ng naturang programa na magtatag ng isang mekanismo upang subaybayan, suriin at i-ulat ng mga kaso HIV/AIDS sa PNP.

Samantala, kumikilos na rin ang PNP-HIV-Aids Committee (PHAC) sa pakikipagtulungan ng Philippine National AIDS Council (PNAC) upang bigyan ng tulong medikal at serbisyo ang mga pulis at kanilang mga pamilya na pinangangambahang positibo sa nasabing karamdaman.

Sa ilalim ng PHAC, mahigpit na susundin ang ‘medical confidentiality’ sa paghawak ng mga kaso ng pulis na may sakit na HIV at AIDS.
 
Alinsunod sa Republic Act 8504 o ang Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998, ang mga tauhan ng PNP ay kinakailangang mabigyan ng standardized basic information and education sa STI, HIV at AIDS.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=50575.0
Romans 10:9
"That if you shall confess with your mouth the Lord Jesus, and shall believe in your heart that God has raised him from the dead, you shall be saved."
👇👇👇
Na-try mo na ba yung Tala app? Reliable sa unexpected expenses at laking tulong sa future! Use this code 9SO1TSL or visit www.tala.com to sign up!

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: