“I am just a human being and I never imagined that I would be the cause of such a huge tragedy.†Ito ang tinuran sa Saudi police ni Ruben Kebeng, ang Filipino driver na nakadisgrasya sa gas truck na nagresulta sa pagkamatay ng 20 katao at pagkasugat ng mahigit na 100 iba pa.
Ayon kay Kebeng, naÂwaÂlan ng preno ang kanyang minamanehong truck sa Riyadh. “I tried to control the truck but the brakes failed and it hit the bridge.â€
Wala rin umanong ideya si Kebeng kung dumaan sa tamang pagmamantine ang minamaneho niyang trak dahil gaya ng nakagawian ay ‘fully loaded’ na ang sasakyan kapag ipinasa sa kanya at ang tungkulin niya ay ihatid ito sa destinasyon.
Tinangka rin umanong makipag-usap ni Kebeng sa mga awtoridad pero nahirapan siyang magsalita dahil konting wikang AraÂbic lamang ang kanyang nalalaman.
Sa takot ay napag-isipan din aniya na tumakas sa pinangyarihan ng aksidente pero inaresto siya ng mga pulis kahit pa nasugaÂtan din siya sa nangyari.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57476.0