By Zaida delos Reyes-Palanca
People's Journal
Patay ang dalawang sanggol na dapat sana’y bibinyagan matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang tricycle sa harap ng sementeryo habang patungo sa simbahan kahapon ng umaga sa Zarraga, Iloilo.
Gayunman, patuloy pang inaalam ang pangalan ng nasawing mga biktima habang kritikal naman sa pagamutan ang mga magulang ng mga ito na nakilalang sina Celito at Rasel Biaco at Jerry at Alona Brania, kapwa mga residente ng Bgy. Gines sa naturang lalawigan.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ang mga biktima ng isang tricycle patungo sa simbahan sa Poblacion, Zarraga, upang mabinyagan ang dalawang bata nang maganap ang trahedya.
Hindi na umabot ng buhay sa Western Visayas Medical Center ang dalawang sanggol habang kritikal naman ang mga magulang ng mga ito.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=19570.0