Nagbabala ang isang mambabatas na hindi malayong malugmok ang pamahalaan sa taong 2015 dahil sa posibleng sobra-sobrang pagtaas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na makakaapekto nang husto sa lokal na merkado.
Tila napapanahon naman bilang alternatibong solusyon sa paparating na 'unos' ang bagong proyekto ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na 'bisikleta lanes' sabay himok sa publiko na tangkilikin ang 'energy-saving mode of transportation'.
Sa kanyang pagbubunyag kahapon, sinabi ni KaÂsangga partylist Rep. Teodorico Haresco na ngayon pa lamang ay kailangan nang kumilos ang pamahalaan para maprotektahan ang bansa sa epekto ng dahan-dahang pagtaas sa presyo ng fossil fuels.
Payo nito sa administrasyong Aquino na gumawa na ng masusing pag-aaral at paghahanap ng makabago at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya ng bansa.
Sinabi pa nito na ang peak oil theory ay nagsasalarawan na ang dami ng natural oil reserves sa buong mundo ay tinatayang babagsak ng halos 50% kaya't ang natitirang supply ay inaasahang sisirit ang presyo at magkakahirapan ng pagbili.
Balik din ang trapik --- Ramdam na ang pagbabalikan ng mga kababayan sa Metro Manila mula sa pagbabakasyon sa mga probinsya sa katatapos na long weekend ng Undas. Ang klarong barometro nito ay ang pagsisikip na naman ng daloy ng trapiko sa EDSA na naramdaman na ulit kahapon. (Mike Perez)
"Other circumstances, such as unrest in key Middle Eastern oil producing nations and China's insatiable appetite for energy, will also worsen the speculation," sabi pa nito.
Suhestiyon nito na makasama sa pag-aaral sa energy profile ng bansa ang ipinapataw na taripa sa mga alternative energy components at sa mga sasakyang gumagamit nito.
Kahapon ay sinimulan nang ilako ni MMDA chairman Francis Tolentino ang magagandang epekto ng paggamit ng bisikleta kontra de-gasolinang mga sasakyan tulad ng kotse at motorsiklo.
Una na rito ay isang magandang uri ng ehersisyo ang pagbibisikleta na maganda para sa kalusugan at makakabawas pa ito ng polusyon dahil wala itong ibinubugang usok.
Bilang paunang hakbang sa kampanya para sa bisikleta, nakatakdang maglagay ng bicycle lanes sa lahat ng lansangan ng Metro Manila ngayong buwan, uunahin na ang mga major thoroughfares, kung saan nalalagay sa peligro ang mga namiÂmisikleta dahil sa kaskas na takbo ng mga naglalakihang sasakyan.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56576.0