Hawak na ng Riyadh Police ang Filipino driver na suspek na sa pagsabog ng oil tanker na nagresulta sa kamatayan ng 22 katao at pagkasugat ng mahigit 100 iba pa.
Sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa Saudi kahapon, isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng Riyadh Police ang driver ng tanker.
Sa panayam ng local media kay PH Ambassador to Saudi Arabia, Ezzedin Tago, sinabi nito na "the driver of the tankeÂr has been identified as Robin Kebeng, a Filipino national. Kebeng has been working in the Kingdom for the last one year."
"The Philippine Embassy was refused consular access to the detained driver yesterday," dagdag pa ni Tago.
Si Kebeng na sugatan din sa insidente ay inaresto ng pulisya sa Riyadh, samantala habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa mabatid ni Tago kung anong kaso ang kinakaharap ng Pinoy, bukod lang sa pagseguro na bibigyan ito ng abogado para magtanggol sa biktima.
Matatandaang sa mga naunang ulat ay isang Indian driver ang sinasabing lumabag sa batas trapiko at humahagibis na nag-u-turn sa highway. Ang gas truck ay bumangga sa poste hanggang sumabog ito.
Kahapon, si Kebeng na ang itinuturong responsable sa trahedya.
Pitong overseas Filipino workers din ang nasugatan sa pagsabog at ang mga ito ay napagkalooban ng atensyong medikal sa iba't ibang city hospitals at tatlo ang na-discharge pa nitong Nobyembre 3.
Nilinaw ni Tago na ang lahat ng naospital na OFWs ay pawang documented kaya sakop ng medical insurance ang pagpapagamot ng mga ito na babalikatin ng kani-kanilang employer.
"We are coordinating with their employers to ensure that they are well assisted while they're at the hospital. We will coordinate with employers in case there are issues," ayon pa kay Tago.
Kaugnay nito, inihayag ng Saudi authorities na pumapalo na sa 300 million Saudi Riyals ang pinsala hindi pa kasama ang mga insurance claims ng mga namatay at nasaktan sa sakuna.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56577.0