Author Topic: Impreaching Proceeding on Arroyo  (Read 557 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33317
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Impreaching Proceeding on Arroyo
« on: November 21, 2017, 03:45:02 PM »
Impeachment vote dagok sa oposisyon
by CL Cadorna

Koronadal City (31 August 2005) -- Itinuring na isang malaking dagok sa oposisyon at ang kanilang mga kaalyado sa nangyari kahapon sa impeachment proceedings na napanood sa telebisyon sa buong bansa. Dahil sa ginawang walkout kahapon ng mga miembro ng minorya sari sari ang naging reaksyon ng mga mamamayan mula sa ibat ibang sector. Ayon sa empleyado ng isang estasyon ng radio sa Koronadal city, dapat ibasura na lang ang impeachment case dahil gulo lang ang natatamo natin. Ayon sa kanya, wala ring maaaring kapalit na may sapat na kakayahan tulad ng Pangulong Arroyo. Kanyang iminungkahi na hayaan na lang na matapos ang kanyang termino. Nakapanlulumo naman ang ginawang pag walk-out ng mga miembro ng minorya habang nagsiliparan ang mga documento na isa-isang inihagis sa loob ng session hall. Ito ang reaksyon ng isang negosyante sa mga pangyayari. Ayon sa kanya, dapat sundin ang tamang proseso sa paglilitis ng kaso na siya namang nakikita niya sa komitiba na humawak sa impeachment hearing. Bagaman nais din ng isang empleyado ng pamahalaan na maituloy ang impeachment proceedings upang lumabas ang katotohanan maliwanag sa kanyang pananaw na walang magagawa ang oposisyon at hindi rin aniya uobra ang mga alternatibong paraan tulad ng pag-martsa sa mga lansangan. Harapin na lang ang kasalukuyang pinangangambahan, ang krisis pangekonomiya ng bansa. (PIA)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88311.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: